Home News International Zarate Itinanggi na hindi konektado sa NPA!? Pero paano ba ang video...

Zarate Itinanggi na hindi konektado sa NPA!? Pero paano ba ang video na ito?

82
0

Itinanggi ni Bayan Muna partylist Representative Carlos Zarate ang paratang sa kanya na miyembro umano siya ng komunistang grupo.

Pinabulaanan ng mga militanteng mambabatas sa Kamara at ilang lider progresibo ang kanilang pagiging lider at kasapi ng Communist Party of the Philippines-New Peoples’ Army (CPP-NPA) sa pagdinig ng Senado hinggil sa red-tagging, Martes.

Ito ang naging tugon ng mga grupo — na pinangungunahan ng Makabayan bloc sa Konggreso — matapos ang maka-ilang ulit na pag-uugnay sa kanila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa armadong rebelyon laban sa gobyerno.

Samantala ito ang magpapatunay na may koniksyon Muna partylist Congresman Carlos Zarate

Nitong Oktubre lang din nang magpresenta ang naturang government task force ng “dating rebelde diumano” sa kataugan ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz na magpapatunay diumano sa mga akusasyon, kahit naisama sa drug-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Tahasan kong sinasabi sa Komiteng ito [Sen. Panfilo Lacson] na hindi ako miyembro o opisyal ng [CPP]. Hindi ako rebelde o miyembro ng [National Democratic Front of the Philippines],” pahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

“Pilit kaming iniiuugnay sa terorismo. Ito ay isang malaking kasinungalingan.”

Dati nang kinasuhan ng kidnapping, child abuse, human trafficking atbp. ang mga kinatawan ng Makabayan bilang “Batasan 6,” ngunit ibinasura rin ng Department of Justice (DOJ) dahil sa “kawalan ng matibay na ebidensya.”

Ang kanilang takot, nagagamit diumano ang red-tagging sa mas matindi pang paglabag ng karapatang pantao, gawa-gawang kaso at extrajudicial killings sa mga lider oposisyon at kritiko.

Source: Philstar, Untv

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here