Home News National Watch: Taal Volcano, inilagay na ng Phivolcs sa alert level 2

Watch: Taal Volcano, inilagay na ng Phivolcs sa alert level 2

2
0

Ayon sa Phivolcs, patuloy ang volcanic tremors o mga pagyanig sa bulkan, kung saan ang iba’y nagdudulot pa ng pagbuka ng lupa.

Puspusan ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa Batangas sakaling lumala ang sitwasyon matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 2 ang Bulkang Taal.

Umiinit din umano ang crater lake at nagiging acidic ang tubig, at patuloy na namamaga ang Taal Volcano Island.

Sa ngayon, maliban sa mga nakatira sa Volcano Island, wala pang inililikas dahil hindi pa ito inirerekomenda ng Phivolcs.

Magugunitang noong Pebrero ay inilikas ang mga nakatira sa Volcano Island matapos magbabala ang Phivolcs ng posibleng phreatic explosion kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga naitatalang pagyanig sa isla.

Naaresto naman nitong umaga ng Martes ng mga awotridad ang 6 na tao matapos makalusot at pumunta sa main crater ng bulkan.

Dahil dito, iniutos ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa Philippine Coast Guard at mga local government unit (LGU) na paigtingin pa ang pagbabantay sa paligid ng bulkan para walang makapuslit.

Ikinakasa na rin ng mga LGU ang paghahanda sa paglikas, lalo na sa mga barangay na nasa loob ng 7-kilometer danger zone.

Nakakasa na rin umano ang mga lugar na paglilikasan ng mga taga-Batangas.

“Mayroon nang preparedness ang Cavite at mayroon na rin tayong communication sa Quezon at Laguna,” ani Lito Castro, namumuno sa Batangas PDRRMO.

Pinaiksi na rin ng mga awtoridad ang window hour na pinapayagang magpakain ang mga mangingisda sa mga fish cage sa lawa sa Taal.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here