Home News National Watch: PNP, Nanindigan na Ginahasa ang Flight Attendant na si Christine Dacera

Watch: PNP, Nanindigan na Ginahasa ang Flight Attendant na si Christine Dacera

0
21

Sa kabila ng mga duda sa pagkakagahasa diumano ng viral na pagkamatay ng isang flight attendant sa Makati nitong Bagong Taon, nanindigan ang pamunuan ng Philippine National Police na hinalay muna ang biktima bago tuluyang malagutan ng hininga.

Ito ang sinabi ni PNP chief Police Gen. Debold Sinas sa isang briefing, Miyerkules, matapos ang ilang kwestyon sa tunay na pagkamatay ni Christine Dacera, 23-anyos, sa isang hotel sa Makati City.

“I think there’s really rape. ‘Yung babae, with bruises, confirmed lacerations tapos may fluid sa private parts niya… It really happened,” ani Sinas.

“Ipagpalagay na nating nalasing ‘yung babae… Ay wala namang karapatan ang isang lalaki na makipag-sex sa babae [nang walang pahintulot].”

Ika-1 ng Enero nang matagpuang walang buhay ang katawan ni Dacera sa City Garden Grand Hotel, matapos maki-party kasama ang mga kaibigang lalaki para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Una nang sinabi ni Makati City Police chief Col. Harold Depositar na namatay si Dacera dahil sa “ruptured aortic aneurysm,” maliban sa “pagputok” ng ugat sa utak ng 23-anyos.

Tinitiyak pa naman daw ng panig nina Depositar kung totoong na-rape ang yumao, lalo na’t wala pa raw lumalabas na testigo sa insidente.

“There was sexual contact, based on medico-legal report,” sabi ni Depositar.

Tatlo na sa mga kaibigan ni Dacera ang inaresto at sinampahahan ng kasong “rape with homicide” habang siyam pa ang pinaghahanap ng mga alagad ng batas.

Bagama’t patuloy ang paghahanap at 72-oras na ultimatum bago ang “pwersahang” manhunt operations, matatandaang sinabi na ni Sinas na “case solved” na ang krimen.

Panoorin dito:

Source: Philstar, GMA

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here