Home News Video ng Pagtatalo dahil sa Manok, Nauwi Sa Pag-putok Ng Baril

Video ng Pagtatalo dahil sa Manok, Nauwi Sa Pag-putok Ng Baril

37
0

Viral sa social media ang video na kuha ng isang netizen tungkol sa away ng dalawang magpanig. Dahilan anila ng kanilang pag-tatalo ay ang ninakaw na manok ng kaanak ng nagbahagi ng nasabing video.

Ibinahagi ni Shainna April Villegas ang video, napagbintangan lang aniya ang kanilang tatay na nagnakaw ng dalawang manok. Ngunit pilit raw itong inaakusa ni Richard Repuela, isang NBI officer, kahit wala pa mang ebidensiyang napatutunayan.

No description available.

Imbis na idaan sa maayos na usapan ang kanilang pag-tatalo, kumuha si Repuela ng baril at saka ipinagpuputok ito. Habang nangyayari ito, rinig sa video ang sobrang pangamba ng mag-kakaanak at takot sa posibleng mangyari sa kanila.

Dahil din sa sobrang pangamba sa pangyayari, nawalan ng malay ang lola sa loob ng bahay na siya pang lalong nag-paingay sa buong luob ng tahanan.

Kinagabihan bago pa mangyari ito, tumawag ang kanilang lola at sinabing ninakaw raw ng kanilang tatay ang dalawang manok na hindi niya pagmamay-ari. Ninais agad nila na pumunta sa barangay upang makita ang cctv footage, ngunit sabi sa kanila ay magsabay nalang ang dalawang panig na dumulog.

Ngunit ani Shainna, pag-dako nila sa MHC, baril ang sumalubong sa kanilang mag-kakaanak. Masuwerte’t walang natamaan sa bastang pagputok ng nag-aakusa. Pahayag pa sa post,

“…NBI KA DIBA BAKIT MO BASTA BASTA IPUPUTOK AT PAGLALARUAN ANG BARIL NA YAN KUNG NBI KA?? MAS ALAM MO LAHAT NG PATAKARAN DAHIL MAY PINAG-ARALAN KA AT NBI KA! BOBO KA BA???…”

Dagdag pa ni Shainna sa kanyang post, hindi raw sa kanila ipinakita ang cctv footage ng sinasabing pagnanakaw ng tatay nila. Ang dahilan aniya na sinabi sa kanila, na kamag-anak ni Repuela, ay malabo ang kuha sa cctv.

“…SINABI PA SA BRGY NA WALA YUNG OPERATOR PERO SINABI NYO NA AGAD NA MALABO?”

Panoorin ang video dito:

Source: Facebook

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here