Home News Video ng Pagbato ng Tae ng Customer sa Coffee Shop dahil ayaw...

Video ng Pagbato ng Tae ng Customer sa Coffee Shop dahil ayaw ipagamit ang CR, Viral sa Social Media

0

Naging Trending ang video ng isang customer sa cofffee shop dahil pagbabato ng tae.

Katawa-tawang mang pakinggan, alam nating lahat na hindi biro ang nararanasan ng isang taong biglang sumama ang tyan at hindi na kaya pang magpigil ng paglabas ng kanyang dumi. 

Ganito ang nangyari sa isang babaeng inabutan ng sama ng tyan sa isang coffee shop kung saan nakunan ng CCTV ang buong pangyayari.

Sa isang video, mapapanuod ang babae na tila maayos na nakikipag-usap sa staff ng coffee shop na napag-alamang Tim Hortons. 

Ayon sa ulat, hindi umano pinayagan ng staff ang babae na gumamit ng banyo. Base sa kanilang patakaran, kahit naman raw sino ay welcome na makigamit nito. Subalit sa kasamaang palad, ang ilang branch o franchise ng nasabing shop ay kailangan pa raw magbigay ng passcode o susi sa customer depende sa discretion o sariling pasya ng empleyado.
Dahil dito, malinaw na nagalit ang customer sa naging pagtrato sa kanya kung kaya naglabas ito ng sama ng loob sa pamamagitan ng pagdumi sa mismong harap ng cashier at ibinato ito sa staff na noong una ay pinakiusapan pa nya.

Naglabas naman ng statement ang Tim Hortons tungkol dito.

Saad nila, hindi umano pinayagan ng staff na gumamit ng kanilang washroom ang babae dahil sa “past behavior and out of concern for the immediate safety of team members and guests in the restaurant.”

Dagdag pa nito, “We are deeply concerned by this video as the safety of our team members and guests is always a top priority for us,” 
“In limited cases across the country restaurants have a restricted access policy for restrooms to ensure the well-being of our guests.” paliwanag ng kumpanya.
Agad namang inaresto ng mga pulis ang babae dahil sa pagdumi sa pampublikong lugar.

Panuorin dito:

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version