Home News Video ng Nagwawalang Lalaki sa Dinalupihan, Itinaob ang paninda ng mga...

Video ng Nagwawalang Lalaki sa Dinalupihan, Itinaob ang paninda ng mga Vendor.

2
0

Panawagan sa pamunuan ng Daang Bago, sana ay mabigyan ito ng aksyon bago pa ito muling makapanakit ng iba.

Humihingi po kami ng tulong para ma-aksiyunan ang nangyareng ito sa amin dahil sa pang-gugulo ni Michael Sambat ngayong March 20,2021 bandang alas-7 ng gabi dito sa Purok 3 Daang Bago,Dinalupihan, Bataan.

Nag simula po ito dahil sa kanyang pambabastos sa akin pati na rin sa mama ko habang nagtitinda kami ng barbeque sa tapat ng bahay namin, pilit na namin siyang pinaaalis dahil nakainom siya ng alak at wala sa sarili at mukhang nakadroga dahil iba ang awra ng kanyang itsura at namumula ang mga mata pero patuloy padin siya sa pakikisali sa usapan namin at kung ano ano pa mga sinasabi niya na nakakabastos.

Mahinahon na siyang pinapaalis ng mama ko pero mas lalo siyang nagwala at inaambahan pa ng suntok si mama kaya lumabas na yung kuya ko para awatin siya pero tinulak niya kuya ko. Makikita niyo po sa video kung papano ang ginawa niya na paninira sa tinda namin, pagbabanta, pananakit, paghahamon ng away, at pagmumura.

Dinampot na po siya ng mga pulis, ang sabi hindi daw pwede ikulong o sampahan ng kaso/demanda dahil may kapansanan daw po siya sa pag-iisip.

Ano po ang maaari o maganda namin gawin upang ma-aksiyunan ang pangyayaring ito? Natatakot po kasi kami dahil siya ay nagbabanta sa aming buhay. Maraming salamat po.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here