Home News Video ng Matandang gustong makauwi sa kanilang Probinsya, Nanawagan ng tulong dahil...

Video ng Matandang gustong makauwi sa kanilang Probinsya, Nanawagan ng tulong dahil hindi Pinapasahud ng amo

3
0

Isang nagmamagandang loob na concerned netizen ang nag post sa Facebook ng cellphone video ng panawagan ni Tatay Jacob berdin 64-anyos, tindero ng itlog at mga prutas. 

Humihingi umano si Tatay Jacob ng tulong na makaabot kay Sir Raffy Tulfo ang kanyang reklamo sa kanyang amo na si Gina Bobis.

Ayon sa concerned netizen na si Felina Paula Montanez, hindi umano pinapasahod ng amo na si Gina Bobis, si Tatay Jacob ay tatlong taon nanilbihan na puro bale lang ang ibinibigay ng kanyang amo. Gusto na sana nito umuwi ng Bicol pero walang pera

“May pera siyang pinatago sa amo niya na halagang P30,000 pero hindi na naibigay sa kanya ng amo dahil ikinaltas na sa mga reject at bulok na itlog at prutas.”  sabi ni Felina

“Noong December 31, 2020, kinuha po ng amo ni Tatay Jacob lahat ng benta at hindi po siya iniwanan kahit singko. Wala po siyang pambili ng pagkain at masaklap pa po hindi siya pinagtinda at nagulat nalang po siya may ibang tindero na sa pwesto niya.” dagdag pa niya 

Sa ngayon ay kinupkop ni Felinasi tatay jacob. 
” Sa ngayon po ay nakatira sa amin si tatay, pinagkakasya nalang po namin kung ano meron kami. Gusto lang niya makuha ang pera niya at nakauwi ng Bicol, yun lang po ang tanging hiling niya. Sana po matulungan natin siya.”  ayon kay Felina. 

Paki share nalang po para makaabot kay sir Raffy Tulfo.

Panoorin ang video ng panawagan ni Tatay Jacob. 

Source: Felina Pacula Montañez

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here