Home News National Video ng Aktwal ng Pag-atake ng mga NPA sa Pulis Station sa...

Video ng Aktwal ng Pag-atake ng mga NPA sa Pulis Station sa Surigao, Nakunan ng Netizen

43
0

Sabay na sinalakay ng mga grupo ng New People’s Army (NPA) ang Sison Municipal Police Station at bahay ni Mayor Karissa Fetalvero-Paronia kaninang alas 8:30 ng umaga.

Agad namang gumanti at nakipag-barilan ang mga pulis na nasa loob ng Sison MPS.

Samantalang nakipagbabakan ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Batallion (RMFB 13) at 29th Infantry Batallion na nakatalaga sa bahay ni Mayor Paronia at nagtagumpay sa isinagawang depensa.

Hindi pa tukoy ng Philippine National Police (PNP) ang pinuno ng grupo na agad tumakas.

Ayon kay Lt. Col. Aris Antonio, commanding officer ng 29IB, una na silang nakapag-deploy ng mga tauhan dahil naka-schedule na ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga ng ayuda para sa senior citizens, at ang gaganaping kasalan ng bayan sa hapon.

Wala namang nasaktan o napatay sa panig nga mga sundalo at PNP.

Nagsagawa na ng hot pursuit operation ang militar at PNP at itinaas na rin ang alerto sa buong bayan ng Sison.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here