Home News National Vice Ganda, Natrauma matapos mapanuod ang video ginawa ng Pulis! “Bumalik...

Vice Ganda, Natrauma matapos mapanuod ang video ginawa ng Pulis! “Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala”

0

Bumalik sa umano sa alala ng komedyante ni Vice Ganda ang nangyari sa kanyang ama na pinaslang diumano noong 1991 matapos niyang mapanood ang video na kumakalat ngayon sa social media.

Maraming Pilipino ang nagulantang sa nagyari at isa si Vice sa mga artista na kinondena ang ginawa ni PSMS Jonel Nuezca, isang pulis na tinodas ang mag ina na si Sonya Gregorio at Anthony Gregorio dahil sa simpleng alitan.

Ayon sa kanyang Tweet ay naalala niya ang mga suspek sa likod ng nangyari sa kanyang ama kay Nuezca.

“Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala. Ung putok ng baril. Ung itsura nung tatay ko na parang baboy na sinasakay sa jeep. Ung mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko,” ani Vice.

Teenager palang daw si Vice ng masawi ang kanyang ama na isang barangay captain noon sa Maynila.

Ayon sa kanya ay hindi parin nahuhuli ang suspek hanggang ngayon.

Kaya’t ang hiling ni Vice ay sana’y mabigyan ng hustisya ang mga biktima ni Nuezca at hindi matulad sa kanya.

“Sana’y wag silang magaya sa pamilya namin na namanhid na lang sa tagal ng paghihintay ng katarungan. Sana wala ng makaranas ng kasamaang ito.” saad ni Vice.

Maliban kay Vice ay binanatan din nila Angel Locsinl, Judy Ann Santos, Maine Mendoza at Khalil Ramos ang ginawa ni Nuezca na ngayon ay nasa piitan na.

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version