Home News National Update: 3 persons of interest, lumabas sa Room 2207 bago matagpuan ang...

Update: 3 persons of interest, lumabas sa Room 2207 bago matagpuan ang bangkay ni Dacera

37
0

Dakong 6:00 am, isang kaibigan ni Dacera na si Valentine Rosales ang lumabas sa 2209 at nagpunta sa 2207 para sunduin ang 23-anyos na flight attendant.

Ngayong tukoy na ng awtoridad ang mga nasa loob ng Room 2207 ng hotel kung saan natagpuang patay si Christine Dacera, kailangan daw silang magpaliwanag kung ano ang nangyari nung huling pumasok sa kwarto si Christine.

Pagkaraan ng 20 minuto, lumabas na sa 2207 si Dacera pero buhat na siya ng kaniyang kaibigan pabalik sa 2209. Gayunman, makikita namang may malay pa si Dacera.

Pero pagbalik umano sa 2209 ay lalo na raw tumindi ang pagsusuka ni Dacera.

Dakong 6:40 am, nakunan naman sa labas ng 2209 ang isang kaibigan ni Dacera na tila nakikipagtalo sa isang lalaki na naka-check-in sa 2207.

Ang mga lalaki na nakita umano sa CCTV na tila nagtatalo ay sina Edward Madrid at Joseph Darwin Macalla.

Ayon sa ulat, sinabi ng source na isa si Macalla sa walong tao na nasa Room 2207.

Sa mga naunang ulat, sinasabing dakong 7:00 am nang umalis sa hotel ang ilang lalaki na tumuloy sa 2207.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here