Home News National TUKOY NA! PINAGMULAN NG MGA DROGANG NASABAT SA CALOOCAN — NPD

TUKOY NA! PINAGMULAN NG MGA DROGANG NASABAT SA CALOOCAN — NPD

0
0

Sa interview ng isang Radio Station kay Northern Police District (NPD) Director P/Bgen. Ronnie Ylagan, sinabi nito na lumabas sa imbestigasyon na may nag-uutos umano sa isa sa mga naaresto na maglabas ng mahigit 20 kilo ng shabu.

Tiwala ang pulisya na may malaking sindikatong nasa likod ng tatlong kabataang naaresto sa Caloocan City kahapon kung saan nakuha ang mahigit P100-M halaga ng shabu.

Mas mataas yung sa kanila dahil nautakan yung babae ng ating mga operatiba sa chat, may nag-uutos sa babae na mag-release ng ganitong karaming items ng shabu,” ani Ylagan.

Ibinunyag din ni Ylagan na mayroon na silang lead kung saan posibleng nagmumula ang isinusuplay na shabu ng mga naarestong suspek.

Meron pa tayong ginagawang follow up investigation hindi pa natin pwedeng sabihin kung saan ito nanggagaling pero patuloy ang ating follow up, upang matukoy natin kung saan yung source nitong magkakapatid na ‘to. Ito yung nakikita ko ngayon na malaki na huli ng Northern Police District,” ani Ylagan.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here