Home News National Tingnan: Sue Ramirez, Maris Racal pumalag sa mga gumawa ng fake nude...

Tingnan: Sue Ramirez, Maris Racal pumalag sa mga gumawa ng fake nude photo

2
0

Umalma ang mga aktres na sina Sue Ramirez at Maris Racal sa retrato nila na inedit para magmukha silang nakahubad. Tinawag nina Sue at Maris na pambababoy ang nangyari, habang handa naman ang Star Magic na papanagutin ang gumawa at nagpakalat ng inedit na retrato. 

Sa isang Instagram post, nilinaw ni Maris na edited lang diumano ang mga litrato na kumakalat sa social media.

Hinimok naman ni Maris ang mga netizens na bigyan siya ng impormasyon sa mga taong malalaman ang pinanggalingan ng nasabing larawan upang magawan nila ito ng aksyon.

“Please help us find the person who edited these photos. Screenshot whoever shared this on FB. Gusto namin malaman saang FB group ito nagstart. THIS HAS TO STOP,” ani Racal.

Ginamit narin ni Racal ang kanyang Twitter para banatan ang mga nagpapakalat ng nasabing litrato.

“There’s an edited photo of Sue and I spreading online. Kung sino man ang nag edit nun, wala kang utak. Itigil na ang pambabababoy ng katawan ng mga babae. Pagaari namin ‘to.
2021 na, manyak ka pa rin? Magbago na,” ani Maris.

Hindi pa malaman kung sasampahan ng reklamo ng nasabing artista ang mga taong nagpapakalat ng nasabing litrato.

Noon ay nagbalak narin ang kampo ng artista na magsampa ng reklamo laban sa mga nagpapakalat ng maling balita sa kaniya.

Ngunit hindi na nagkaroon ng update tungkol sa kanilang plano.

Samantala ay ipinakita ni Sue Ramirez ang orihinal na photo na inedit ng mga suspek sa likod ng pagpapakalat ng mga rated SPG na larawan nila ni Racal.

“Please lang. Sumusobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picutre, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang pambababoy na ito,” saad ni Ramirez.

“We would like to appeal to everyone to stop sharing these fake photos on social media. The welfare of our talents is our top priority and we intend to pursue legal actions against the perpetrators and anyone who posts. distributes or dupliucates these images,” ayon sa statement ng Star Magic.

Humingi ng respeto ang kumpanya sa dalawang artista.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here