Home News National Tingnan: Paring Katoliko na may kasong rape inambus, Patay

Tingnan: Paring Katoliko na may kasong rape inambus, Patay

21
0

Wala nang buhay nang matagpuan ang mga labi ng isang paring kilala sa kanyang mga adbokasiya sa probinsya ng Bukidnon, habang duguan sa labas ng kanyang sasakyan, Linggo.

Ang malagim na balita sa pagkamatay ni Fr. Rene Regalado ay kinumpirma ng Diocese of Malaybalay sa isang social media post, Lunes.

Ayon kay Malaybalay City Police Station commander, Lt Col Jerry Tambis , dakong 7:30 kagabi nang maganap ang krimen sa Pal-ing, Patpat, Malaybalay City.

Lumabas sa imbestigasyon na minamaneho ng biktima ang kanyang SUV patungong Camelite Monastery nang harangin siya ng mga armadong lalaki at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan hanggang sa mamatay noon din.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nabatid na may kinakaharap na kasong rape si Regalado habang Kura Paroko pa siya sa bayan ng Lala, Lanao del Norte.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek. Mary Anne Sapico

Source: Remate

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here