Home News National Tingnan: Lalaking gumagamit ng gwapong Profile Facebook para mabighani ang mga Babae...

Tingnan: Lalaking gumagamit ng gwapong Profile Facebook para mabighani ang mga Babae at Hingan ng Maselang Litrato, Arestado!

0

Napakahirap magtiwala sa panahon natin ngayon sa mga taong nakikilala lamang sa social media, marami kasing fake account o dummy account na ginagamit ng mga taong mapagsamantala sa kapwa. Andiyan yung mag-papanggap ng gwapo o kaya naman mganda at seksing babae.

Huli ang isang lalaking gumagamit ng fake account sa facebook dahil sa pagkakalat umano ng hubad na larawan ng kanyang biktima sa social media dahil sa pag tanggi ng huling makipagtalik sa kanya.

Arestado si Robert Villegaz Debulosan 23-anyos, ng ng Canbantug Argao, Cebu sa entrapment operation ng Argao Talisay Po;ice station nitong pebrereo 28 bandang 10:30 pm sa Poblacion.

Inilunsad ng operatiba ang operasyon dala ng sumbong ng 19-anyos na babae mula Talisay City, matapos ikalat diumanao ng suspek ang hubad na larawan ng biktima sa Facebook Messenger nang tumanggi ang huling makipagtalik sa kanya.

Nakuha mula sa suspek ang isang cellphone at tatlong sachets ng pinaghihinalaang droga.

Sinabi ng imbestigador na may 17 Facebook poser accounts si Debulosan na ginagamit diumano nito manligaw at kinalaunan ay humingi ng mga hubad na larawan para gamitin pang blackmail.

“Its a good thing that are police operatives were able to put a stop at this abuse commited against women by the suspect.

We encourage other victims to come out and file their complaints againts this sexual predator whose arrest deliver a clear victory for abused women coming at a most opprtune time during the observance of womens month,” pahayag ni PNP Chief Police General Debold Sinas.

Nagbigay babala ang PNP chief sa mga social media user na mag-ingat sa pagbabahagi ng litrato at personal na impormasyon. 

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version