Home News Tingnan: Kensi anyos na puma†ay sa kanyang sariling anak nasa kustodiya na...

Tingnan: Kensi anyos na puma†ay sa kanyang sariling anak nasa kustodiya na ng WCPD

14
0

Nasa kustodiya na ngayon ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang isang 15 anyos na babae na kinokonsidera ngayon na suspek sa pagpatay sa kanyang sariling anak sa pamamagitan ng pag-chop chop sa katawan nito.

Kung maalala isang residente ng Barangay Gumalang, Baguio District nitong lungsod ang nakakita ng putol na na parte ng katawan ng isang bata.

Dahil dito, nagsagawa ng imbestigasyon ang Baguio District hanggang sa malaman nila na may isang bahay na may bakas ng mga dugo kung saan naninirahan ang isang 15 anyos na babae nakilalang si alyas Julie.

May nakita rin umanong dugo ang otoridad sa loob ng kanilang bahay.Nakatakda rin na ipa-check up sa doktor ang kalagayan ng babae para malaman ang kondisyon nito lalo na at pinaniniwalaang dala ng post partum depression ang dahilan ng krimen.

Matatandaan na naging misteryo kung sino ang ina ng paa ng batang binitbit na aso na nakita ng mga residente sa kanilang Barangay.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya sa Bagiuo District ang insidente na merong iisang asong pagala-gala habang may bitbit na paa ng isang bata sa Purok 3, Barangay Gumalang Baguio District, Davao City, noong Biyernes ng gabi, Hunyo 18.

Hindi mapakali ang mga residente ng nasabing lugar matapos makita nila ang isang asong pagala-gala sa lugar habang may bitbit na paa ng isang bata na akala nila noong una ay isang manok.

Nananatiling misteryo ang pangyayari kaya iniimbestigahan na ito ng pulisya.

Ito naman ang mga kanya-kanyang kumento ng mga netizens tungkol sa pangyayari:

Gina AlbaytarDios ko lord ano na poh nang yayari sa mundo bkt sariling ina ang papatay sa anak lord,kahabagan nyo poh sya

Nthz Terre GalamgamMga kabataan ngayon ginagawang laro nalang ang pagtataliktapos pag nagbunga hindi kayang panindigan, tuloy ang nanyayari kawawa ang nagiging bunga.

Mheryvette Doguitom Sumangbaka isisi niyo sa aso ang pagkamatay nung bata? imposibleng mahiwalay nung aso yung buong binti ng bata kahit sanggol pa yan. hindi ganun katalas ang ngipin ng aso specially kapag full grown adult dog na

Cory Gallardo MagayaPostpartum Depression can kill anyone wag natin sya i-judge bata pa sya baka ndi nya talaga kinaya yun depression mahirap pagdaanan yun ganun stage tulad ko dumaan ako sa ganyan until now meron pa din dumating ako sa point na nagpacounseling ako sa phsyco doctor thru online kasi dumating ako sa point last march na ginupit ko sarili kong buhok at sobrang dali ko magalit ngayon ok na ako kasi nakakayanan ko labanan un postpartum pero ndi lahat ng babae kayang lumaban kaya sana wag natin sila ijudge agad kasi baka talagang wala sila masandalan na pamilya nun pinagdadaanan nila unmaling mali ginawa nya pero walang ina na gusto pataying sariling anak sadyang wala sya sa sarili nya

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here