Home News National Tingnan: Ito ang mga Mukha ng mga Suspek sa Pumatay sa Flight...

Tingnan: Ito ang mga Mukha ng mga Suspek sa Pumatay sa Flight Attendant ng PAL

383
0

Malamig na bangkay na nang matagpuan ang isang flight attendant matapos magdiwang ng Bagong Taon kasama ang mga kaibigan sa isang hotel sa Makati City.

Kinilala ang biktima na si Christine Angelica Dacera, 23 taong gulang.

Sa paunang imbestigasyon ng Makati Police, natagpuang walang malay ang biktima ng kaibigan nitong si Rommel Galida sa bath tub ng kuwarto.

Nang hindi magising, agad nila itong ipinagbigay alam sa management ng hotel.

Agad dinala ang biktima sa clinic kung saan isinailalim ito sa cardio respiratory resuscitation o CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos, ngunit hindi pa rin ito nagising at wala ng pulso.

Sinubukan ng hotel na humingi ng tulong sa rescue team ng Barangay Poblacion ngunit walang dumating kaya sila na ang nagdala sa biktima sa ospital. Idineklara rin itong dead on arrival sa ospital.

Isasailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Samantala, Ito ang mga suspek sa pagpatay kay Christine Dacera, isang 23 years old Flight Attendant na natagpuang patay sa loob ng isang hotel room noong New Year’s Eve:

Gregorio Angelo de Guzman Louie de LimaClark Jezreel RapinanRey EnglisMark Anthony RosalesJammyr CunananValentine RosalesA certain Ed MadridA certain PaulJohn Pascual Dela Serna IIIRommel Daluro GalidoJohn Paul Reyes Halili

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here