Home News Tingnan: Isang Bata nakakagat ng dahon ng “dumb cane”, naglaway at hindi...

Tingnan: Isang Bata nakakagat ng dahon ng “dumb cane”, naglaway at hindi maisara ang bibig

1
0

Nakakalason na halaman at ornamental plant na kung tawagin ay “dumb cane” napaglaruan at nakagat ng isang bata.

Ang dumb cane ay isa sa mga halaman na madalas nating makikita sa mga bakuran. Dahil sa magaganda at malalapad na dahon nito ay ginagamit itong pangdekorasyon para magmukhang maaliwalas ang mga tahanan.

Ngunit ang magandang halaman pala na ito kung titingnan ay mapanganib at sadyang nakakalason.

Batang nakakagat ng nakakalason na halaman

“sa mga adik sa mga tanim na to guys, pls lang po ilagay po xa sa mga matataas na lugar na di maabot ng mga bata… dahil sa bata po xa di nya alam kung ano ang pinag lalaruan nya, nong nakagat nya po ang dahun 1-2mins bigla po xang umiyak d rin alam ng magulang nya kung ano ang nangyari bigla nlng bumula ang bibig nya tapos nong binuklat ang kamay nya nakita ang dahun na hawak2 nya…. Mga mother out there pls po ilagay nyo po sa tamang lalagyan itong klasing halaman na to, laging ilagay sa matatas na bahagi… D po xa safe sa mga kids”

Sa isang Facebook post ay nanagawan si Husnolkhotimah Fahmi na mag-ingat sa isang nakakalasong halaman. Ito ay matapos mapaglaruan at makakagat ng dahon nito ang 4-anyos na Malaysian girl na si Nashwa.

Ayon sa kuwento ni Fahmi ay naglalaro umano sa labas ng kanilang bahay si Nashwa nang pumunit at kumagat ito ng maliit na dahon mula sa nakakalason na halaman.

Matapos nito ay agad na pumasok ang bata sa loob ng kanilang bahay at uminom ng tubig na nagsimula naring magreklamo sa sakit. Sinundan ito ng pag-iyak ng bata na hindi nila malaman ang dahilan.

Doon na nagkuwento ang bata na nakakagat siya ng dahon mula sa isang halaman sa kanilang garden.

Nang maituro ng bata kung anong dahon ang nakagat niya ay agad na i-ginoogle ito ni Fahmi. Doon niya natuklasan na ito pala ay nakakalason at kilala sa tawag na “dumb cane”.

Mag-ingat sa halamang “dumb cane”

Ang dahon ng dumb cane ay nagtataglay ng microscopic needle-like calcium oxalate crystals na nagdudulot ng burning sensation sa bibig kung makagat at maisubo.

Makakaranas rin ng pamamanhid, labis na paglalaway at pamamaga ng labi ang sinumang makakakagat nito.Ang loss of speech ay isa rin sa mga side effect ng pagkakasubo ng dahon ng dumb cane ngunit hindi naman ito nakakamatay. Ligtas rin itong hawakan basta’t huwag lamang hahawak sa mata o bibig matapos mahawakan ang dahon nito.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here