Home News National TINGNAN: Isang Bata Binawian ng Buhay Matapos Makalunok ng Isang Buong Jelly...

TINGNAN: Isang Bata Binawian ng Buhay Matapos Makalunok ng Isang Buong Jelly Ace

0

Marami sa mga bata ang mahilig sa tsokolate, kendi, chichirya at jelly ace. Nagiging paborito ng mga bata ang pagkain ng chewy candy dahil masarap ito. Ngunit, mapanganib din ang pagkain ng chewy candy kapag nalunok ito ng buo.

Isang bata ang binawian ng buhay matapos malunok ng deretso ang isang chewy candy. Ayon sa post ni Julie Nayre Quiroz, tita ng bata, sinubukan na iligtas ang bata ngunit hindi na naagapat. Nang dalhin sa ospital, nagsagawa pa ng swåb test bago daw asikasuhin ang bata.

Lubusan naman ang pagdadalamhati ng mga naulilang pamilya ni Baby Kerker na apat na taong gulang pa lamang. Hindi nila matanggap ang nangyari dahil biglaan at dahil lamang sa chewy candy nawala ang kanyang pamangkin.

Mabait na bata daw itong si Baby Kerker at napakalambing sa kanyang lolo at lola maging sa kanyang ama.

Umabot ng 11k shares ang post na ito at maraming netizens ang nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulilang kaanak nito.

Maging babala ito para sa mga magulang na bantayan maigi ang mga anak sa pagkain nila o kung ano man ang kanilang ginagawa dahil maaaring isang iglap lang ay mawawala sa piling nila ang kanilang anak.

Narito ang kabuoang post:

To all parents po be aware po tayo sa mga anak naten lalo na po yung maliliit pa kailangan po nila ng gabay ..

dinamin inaasahan nang dahil sa sa isang iglap lang po mawawala sya .. hindi na kinaya ng pamangkin kung 4years old ang mabuhay pa! nalunok nya deretyo yung Chewy candy ( for clarifications po hindi po pala jelly ace sorry po ) nahirapan na po syang huminga tinary nila irevive pero hindi na po talaga na agapan gawa ng sinwabtest dw muna at inantay ang result ng hospital Ng baybay Leyte bago asikasohin emergency Naman po Yun sinabe Naman po na nakalunok ng jelly ace Yung bata!

Rest in Paradise baby kerker ! lagi mong iguguide ang mga kapatid mo at lolo lola pati papa mo… napakalambing mo panaman dw na bata sa lolo at lola mo pati sa papa mo Rickeankier Kiid Kiid pakatatag ka po dito Lang kami pamilya mo !

Hindi ko po Alam Kung pano po ako makakatulong sainyo kuya nakikiramay po kami na nandito sa Cavite! kahit nasa malayo po kami ramdam namin ang lungkot na biglaan syang kinuha ni god ang bata pa nya pero kailangan nating tangapin!

Source: Facebook

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version