Home News National Tingnan: Ina, Posibleng Mabulag Matapos Masiko ng Anak sa Mata

Tingnan: Ina, Posibleng Mabulag Matapos Masiko ng Anak sa Mata

10
0

Nanganganib na mabulag ang isang 22-anyos na ginang sa Moncada, Tarlac matapos siyang aksidenteng masiko ng tatlong-taong gulang na anak.

Ayon sa salaysay ni Kim de Rama, residente ng Barangay Banaoang sa Moncada, Tarlac, bukod sa pamamaga at paglobo ng kaniyang mata, lumabo na rin ang paningin nito.

“Pag gising ko masakit saka mahirap imulat. Tapos parang natatakpan yung pinaka-black ng mata, natatakpan ng parang laman,” ulat ni de Rama.

Sumailalim sa angiogram procedure ang ginang at napag-alaman na nagkaroon ng abnormal connection sa mga ugat ng kaniyang mata na nasiko.

“Blunt ‘yan eh. Para ka na ring sinuntok lalo na kung hindi nakontrol ng bata yung siko niya. Maraming patutunguhan ‘yan, puwedeng magkaroon siya ng pagdurugo,” ani Dr. Monique Posadas, isang ophthalmologist.

Kinakailangan na sumailalim sa operasyon si de Rama upang hindi siya tuluyang mabulag. Subalit, dahil sa kakulangan sa pera, nananawagan siya ng tulong upang maipaopera ang kaniyang mata.

“Humihingi po ako sa inyo ng tulong sana matulungan nyo po ako kasi hindi po namin kayang ipagamit ang mata ko,” winika ng ginang

Source: GMA News

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here