Home News National TINGNAN: DOOR TO DOOR NATIONAL ID PRE-REGISTRATION, SINIMULAN NA!

TINGNAN: DOOR TO DOOR NATIONAL ID PRE-REGISTRATION, SINIMULAN NA!

7
0

Ngayong araw magsisimula na ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagbabahay-bahay para sa pre-registration para sa National ID system.

Ayon kay PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista, nasa 5 milyong Pilipino mula sa unang 32 probinsya sa bansa ang target nilang maparehistro ngayong taon.

Aniya, ang mga naturang probinsya ay ang mga itinuturing na households na nasa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at may pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinimulan na ng PSA ang Step 1 Registration para sa mga identified low-income household heads sa mga piling munisipalidad at siyudad.

Dumayo sa mga kabahayan ang mga PSA enumerators upang mangolekta ng demographic information at mag-iskedyul ng appointment bilang parte ng PhilSys Step 1 Registration.

Aming ipinapaalala sa publiko na patuloy na sumunod sa mga health and safety protocols gaya ng pagpapanatili ng physical distancing at pagsuot ng face mask at face shield.

Samantala, bagamat hindi mandatory hinihikayat parin ng PSA ang publiko na kumuha ng national ID gayung makakatulong umano ito sa mga transaksyon sa pribado at pampublikong sektor.

Tiniyak naman ng PSA, libre ito at gastos ito lahat ng gobyerno.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here