Home News National Tingnan: Bote ng alcohol Sumabog sa loob ng kotse

Tingnan: Bote ng alcohol Sumabog sa loob ng kotse

31
0

Sumabog ang naiwang bote ng alcohol sa loob ng kotse sa isang warehouse sa Cainta, Rizal nitong Linggo.

Pahayag ng isang netizens na si Joyce Ann Canlas, naiwan ng kaniyang nobyo ang alcohol sa loob ng kotse sa passenger seat. Nataon naman na walang lilim sa lugar kung saan nai-park ang sasakyan.

Wasak ang salamin ng sasakyan at may nakita ring mga sira sa upuan at bubong nito.

Nagbabala naman ang Food and Drug Administration of the Philippines na sundin ang mga babala sa dapat na kalagyan ng mga bote ng alcohol.

Anila, karaniwang nakasaad sa mga precaution sa mga bote ng alcohol na dapat ay nakalagay ito sa lugar na may hindi lalampas sa 30 degrees Celsius na temperatura.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here