Home News National Tingnan: Bolitas ni mister, inireklamo ni misis sa mga pulis

Tingnan: Bolitas ni mister, inireklamo ni misis sa mga pulis

5
0

Hindi na nakatiis sa kanyang nararamdamang sakit ang isang misis kung kaya ipinaaresto nito sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Talomo Police Station matapos gumamit ng bolitas ang kanyang mister nang magtalik sila sa Matina Aplaya, Davao City kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng pulisya, isinalaysay ng isang Lenlen, ‘di tunay na pangalan, na masyado umanong malaki ang ginamit na bolitas na ikinabit sa ari ng kanyang asawa na si Boloy, ‘di rin tunay na pangalan, kaya nagreklamo ito dahil sa matinding sakit.

Nabatid na kinumprontra ng misis ang kanyang mister hinggil dito pero nagalit umano ito at binugbog siya nito.

Umiiyak ang misis na humihingi ng saklolo sa mga pulis hinggil sa sinapit niya sa kamay ng kanyang asawa kaya ipinatawag ang dalawa at pinayuhan na mag-usap nang maayos at ‘wag nang iparating sa barangay ang kanilang problema.

Gayunman, humingi na ng tawad ang mister sa kanyang misis na mahal na mahal daw niya.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here