Home News National Tingnan: Babaeng kinukulong ng pamilya at sako na lamang ang suot, Viral...

Tingnan: Babaeng kinukulong ng pamilya at sako na lamang ang suot, Viral sa social media

1
0

Humihingi ng tulong sa mga netizens ang nagngangalang Gi Gi upang matulungan ang isang 29-anyos na babaeng sako lamang ang suot na damit nang makuhanan ng litrato sa kaniyang kulungan.

Ayon sa ibinahaging post ng naturang netizen, ang babaeng ito ay si alyas “Bebe”, pangalawa sa limang magkakapatid mulasa Brgy. Maquiling, Sagay City, Negros Occidental. Wala raw sa matinong pag-iisip ang babae mula panoong taong 2009, resulta ng Nervous Breakdown.

Napatignan naman na raw sa espesyalista at nagamot na noong taong 2014 sa isang mental health facility. Ngunit sa kasamaang palad, nagkasakit ang kanilang ama at dahil na rin sa mga gastusi’y hindi na kinaya nang kanilang pamilya na ipagpatuloy pa ang pagpapagamot ni Bebe.

Mayroon na rin daw mga kaso na naghahalusinasyon o ‘di kaya’y nananakit, lagi rin daw umaalis ng bahay at kung saan-saan pumupunta, kung minsa’y napapalayo pa o kaya naman’y kahit gabi na. 

Kung kaya naman nagdesisyon na lamang ang pamilya ni Bebe na ikulong na lamang siya, sa pangamba rin na baka siya ay mapagsamantalahan o madisgrasya.

 Ngunit, saad ni Gi Gi sa kaniyang socmed post, hindi raw nagmomodel-model-an lang ang babae at hindi rin naman pinapabayaan ng pamilya nito. 

Ito ang kabuoan ng kanyang post:

Good day, friends.

Kumakatok po kami sa inyong mga puso para matulungan kaming maipaabot ang sitwasyon ng isang kaibigan sa mga media o programang pangtelebesyon tulad ng #KMJS15 at #Raffytulfoinaction. for professional help.Ang nasa mga sumusunod na larawan ay si alyas “Bebe”, 29 taong gulang, pangalawa sa limang magkakapatid from Brgy. Maquiling, Sagay City, Negros Occidental, wala sa matinong pag-iisip since 2009. Cause: Nervous Breakdown.Napatingnan at na treat na sya noong 2014 sa isang mental facility ngunit dahil nagkasakit ang kanilang ama ay hindi na kaya ng kanilang pamilya ang gastusin sa pagpapa gamot sa kanya.Noong hindi pa siya kinukulong, merong cases na nag hahallucinate o di kaya’y nananakit, lagi din siyang umaalis ng bahay at kung saan-saan pumupunta, kahit gabi na o kahit malayo. Napag desisyonan ng kaniyang pamilya na siya ay ikulong na lamang, sa pangamba ding baka sya ay mapagsamantalahan o madisgrasya.

Ngayon, ang gusto lamang ng kanyang pamilya ay makarating ang mensaheng ito sa mga taong may pusong tumulong pinansyal o kahit sa panalangin.Please share this and use #KMJS15 & #Raffyrulfoinaction. You can comment using these hashtags, too!Maraming salamat! Merry Christmas!(The real name and face of “Bebe” is covered as per request of her family)PS: I asked and had their family’s permission/consent to make this post.update: Marami pong nagtatanong kung bakit ganyan ung suot nya, marami ding nanghuhusga na kesyo nagmomodel modelan lang sya at pinapabayaan ng pamilya, sa totoo lang po, nginangatngat nia po o d kaya pinupunit ang mga damit nya, actually pgkatapos po namin syang picturan niligo at binihisan po sya kaya lng hindi na kmi nakapicture.

Ung kulungan nya po hindi sya jan kasya, malaki lng tingnan ung mga butas sa pictures kasi malapitan ung pagkuha. Ang kulungan niya po ay nasa loob lamang ng bahay nila, noong hindi pa sya kinukulong ay nagiging bayolente sya minsan at kung saan2 pumupunta, sumasakay ng bus at umabot pa nga yan ng Cebu kaya hindi nio po masisisi ang pamilya nyang ikulong nalang sya dahil baka mapahamak o hindi nila matagpuan pag naglayas o hindi naman ay baka mapagsamantalahan at mabuntis, mas minabuti nalng nilang ikulong sya upang mapayapa din sila at para sa safety ni Bebe, please po, wag po kayo agad2 mag comment ng mga judgement niyong hindi naman totoo dahil hindi nio naman po alam ang buong istorya at tunay na pinagdadaanan ng kanilang pamilya, sana mapagod na kayong maghasik ng negativity sa universe!

Update ulit: Cause po ng pagkakaganyan nya ay Nervous breakdown, meron pong nang gulat sa kanya, hindi po yan dahil sa bawal na gamot, hindi din sya nabigo sa pag- ibig.

Update na naman tayo kasi maraming pasaway at matalino sa comment section: Ano po bang pinaglalaban ng iba dito? Bakit niyo pinipilit na bakla si Bebe? Mas may alam pa po ba kayo sa nakakakilala sa kanya? Gagaling ba sya pag napatunayan niyong hindi sya babae? Sabi nila dahil daw malaki braso ni Bebe, guys? really? hindi nio pa nakikita braso ko! “BABAE PO SIYA”

Ito ang reaksyon ng mga netizens:

Gina Bas Sana may batas na bawal ang mang gulat ksi po Baka may aatakihin po sa Hanyang gulat Di natin alam na Baka may sakit ang gugulatin nila,nkaranas na po akong ganyan nka sakay ako sa motor tapos Yong katabi po nmin na motor pinalakas nya po ang tunog Ng motor muntik na akong mahulog sa motor dahil sa gulat Sana may batas na bawal ang mang gulat

Melody Canios Micayabas Just asking LNG po I was curious kc kung kinulong po sya sa bhay lng nila why she’s still wearing those like a rugs and it seems her family didn’t care……they should bring her to rehabilitation to cure her illness…#raffytulfoinaction

Bembem Mhay Sodela Hindi po natin kailangan husgahan Ang taong ganean sa halip ay tulungan po sya . Sa katunayan ako Rin ay may depression Nag . maintenance po ako ng anti depressant..nransan ko po Ang kgya na plakad lakad at may nabulong skin na pumatay ako at tumalon…2014 ako ngkaskit ng gnito pero nilabanan ko pra sa mga anak ko mhrap kalaban Ang pag iisip…lalo na po pag Ang nkapaligid sayo ay pinagtawanan at hinusgahan Ang kgaya ng skit sa pag iisip..hiling ko ay sna gumaling kna mag kaedad po tayo…Laban Lang gagaling ka din nkikita ka ni Lord sa mga family po nya wag po Kayo mag sawang supurtahan at mahalin PO sya dhil need nya Rin Ang pang unwa at pag aalaga NG pamilya …mhirap labanan Ang isip pinag dadaanan ko po Yan sa ngyon lalo nung lockdown SBI mg asaw ko ay palakad lakad ako iniikot ko Ang village dhil yon lng nsa isip ko..d ako ngugutom at d ako inaantok dhil sa mental disorder I hope na sna PO ay intndhin po ntin Ang NSA picture…. kawawa PO naway gumaling kna

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here