Home News National Tingnan: 3 Pulis arestado dahil sa kidnapping; biktima na online seller, sinunog

Tingnan: 3 Pulis arestado dahil sa kidnapping; biktima na online seller, sinunog

0

Arestado ang tatlong pulis at isang sibilyan matapos kidnapin ang isang grab driver at pasahero nitong negosyante.

Sa ulat ng PNP Anti -Kidnapping Group ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina PSSg. Benidict Matias Reyes, PSSg. June Malilin, Police Corporal Julius Alcantara at isang Dario Aligan Robarios.

Habang patuloy na pinaghahanap sina Police Master Sergeant Rowen Martin, PSSgt. Drextemir Esmundo, at sibilyang si Franklin Macapagal.

Batay sa ulat ng PNP AKG, July 20, 2021, isang Nadia Casar ang nag-hire ng grab driver na si alyas Mark para dalhin siya sa Sta. Rosa Nueva Ecija.

Pabalik na ng Cavite ang dalawa nang harangin ng tatlong kalalakihang na sakay ng dalawang motorsiklo.Kinabukasan, pinalaya si Mark kaya’t nakahingi siya ng tulong sa pulisya.

Nang tumungo ang driver sa Sta. Rosa Police Station namukhaan nya ang isang pulis na nasa larawan na naka-post sa lobby ng opisina.

Dahil dito ilang larawan pa ang pinakita sa kanya na kaniyang namang nakilala na dumukot sa kanila.

Narekober kahapon ang labi ng kidnap victim na si Casar na sunog at ibinalot sa Sitio Pinagpala, Brgy. Imelda Valley Palayan City.

Source:

PRO3/PNP AKG

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version