Home News National Sen. De Lima, Nadiin na tumanggap ng pera mula sa illegal drug...

Sen. De Lima, Nadiin na tumanggap ng pera mula sa illegal drug trade sa Bilibid

5
0

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 sa Criminal Case Number 17-167 ngayong araw, kinumpirma ni Capones na nakita umano niya si De Lima na pumasok sa silid ni Sebastian noong March 5, 2014 at narinig na iniabot ang pera.

Pinanindigan ng prosecution witness na si Joel Capones na tumanggap ng P1.4 million si dating Justice Secretary at ngayo’y Senadora Leila De Lima mula sa convicted druglord na si Jaybee Sebastian.

Ang pagtanggap ng pera na kinita mula sa illegal drug trade ay kasabay ng selebrasyon ng anibersaryo ng Commando Sigue-Sigue Gang.

Tumagal nang halos dalawang oras ang cross-examination kay Capones kabilang ang abogado ni De Lima na si Atty. Boni Tacardon pero itutuloy muli ito sa April 16 dahil may bagong impormasyon na lumabas sa affidavit nito.

Sinabi ni Chief Prosecutor Sonny Ocampo na kumpiyansa silang malakas ang ebidensya laban sa mambabatas at ginagawa nila ang lahat ng hakbang sa kabila ng pagkakabasura ng isa sa tatlong drug charges.

Ang kampo naman ni De Lima ay naghain ng mosyon sa korte para maisama sa mga akusado si Capones dahil inamin nito na sangkot siya sa bentahan ng ilegal na droga sa Bilibid.

Nagkaroon din umano ng ‘selective memory’ si Capones dahil hindi na nito matandaan ang mga kritikal na detalye nang i-cross-exam ng defense panel.

Sa maikling mensahe ni De Lima ay umaasa itong magkakaroon ng “freedom” at “vindication” ngayong apat na taon na ang nakakalipas mula nang makulong siya sa PNP Custodial Center.

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens:

Protacio BravoWe heard the testimony of the witness in congress investigation regarding the proliferation of drugs and how is drug money is given to Deli5. The witness is under oath and not coerced,intimidated or force to testify but at their on free will directly pin pointing her as the receiving end of drug money. And just because they are felons and serving their sentences does it mean they don’t deserve credibility regardless if what they have seen and observe directly what is happening inside the national penetentiary? Justice will be serve to ferret the truth.

JD Jingo IandurNong nsa, poder p c panot, c delima ang doj sec, super ang power n delima kya ung ganyan kalakaran s bilibid ay mani lng s knya, db c Gloria nong sasakay nlng s eroplano s NAIA ay hinarang n delima khit wla nmang kaso at tuluyan ipinakulong

Belym MalinaoWag ng palabasin yan c delubyo yan ang nagpahirap skin kya ndi aq nakaalis marami kming inofflod sa terminal 3 kc baka daw magbitbit kmi ng droga yun pla gawain nya pala cya pla ang utak sa bilibid pweee dapat habang buhay n cya dyn makulong….

Elips OlasabDOJ sec. Nakipag jaming ng kantahan sa mga druglords sa loob ng bilibid!! Anong klase kang opisyal ng gobyerno!! Yun pala malaki pakinabang mo sa loob ng bilibid!! May pa raid raid kapa sa bilibid!!! Kaya pala sabi ng kakosa mong c marimar na alam niya kung saan mabibili ang droga!!!

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here