Home News National Pulis Patay, isa sugatan sa pamamaril ng drug suspect sa Caloocan

Pulis Patay, isa sugatan sa pamamaril ng drug suspect sa Caloocan

17
0

NASAWI ang isang pulis habang sugatan naman ang isa pang pulis makaraang pagbabarilin ng isang notoryus na drug suspek sa harap mismo ng Sub-Station sa Caloocan City.

Base sa ulat ni Northern Police District(NPD) Director PBGen Eliseo Cruz kay NCRPO CHIEF PBGEN VICENTE DANAO JR, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kapulisan sa tapat ng Police Sub-Station 7 sa Barangay 167 nang parahin ang 2 lalaking magka-angkas sa motorsiklo.

Sa kasagsagan ng OPLAN SITA sa mga dumaraang motorista ay nasita ni PCpl Dexter Rey Teves at PCpl Rex Graham Abigan, both assigned at Sub-Station 7, CCPC ang dalawang suspek na sina Mark Gil Toreda alyas Macoy, at Clark Edano Castillo, 20 anyos kapwa residente ng Caloocan City na lulan ng isang Honda Dash Black/Blue(ND29430)

Kasunod nito, Nakitaan ng ilegal na droga ang dalawang suspek kayat nagkaroon ng komosyon at biglang bumunot ng baril ang nagmamaneho ng motor na si alyas Macoy at malapitang binaril ang mga pulis.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib si PCPL Teves habang si PCPL Abigan ay tinamaan sa paa sa pakikipagbuno nito sa armadong suspek.

Napatay din ang armadong suspek na si alyas Macoy sa naturang enkwentro habang nadakip naman ang kasama nito na nagtangka pang tumakas.

Naisugod naman SA ospital ang dalawang sugatang pulis subalit idineklarang dead on arrival si PCPL Teves.

Nakumpiska sa mga suspek ang pito(7) bulto ng SHABU tinatayang may timbang na 30 grams na may DDB value na Php 204,000.00, Isa(1) MK Granada at ginamit sa pamamaril na (1)loaded Caliber 9MM at anim na bala.

Kaugnay nito, IPINAGUTOS ni NCRPO CHEIF PBGEN VICENTE DANAO JR sa mga Pulis sa NPD na pinamumunuan ni PBGen Eli Cruz na palakasin ang INTELLIGENCE DRIVEN OPERATION upang malansag ang posibleng grupo ng dalawang suspek.

Pinaalalahanan rin ni RD GEN DANAO ang mga Pulis sa METRO MANILA na magdoble ingat sa maayos na pagtupad ng tungkulin sa kalsada” Ibayong pagiingat para sa lahat ng ating kapulisan lalo na sa mga nasa lansangan, Always be cautious sa pagserbisyo, I’d rather see a notorious criminal lying on the ground than our law enforcers dead in line of duty.

Nagbabala rin ang Ama/Big brother ng METRO MANILA COPS na si RD GEN DANAO laban sa mga notoryus ma durgista’t kriminal ma ayaw maglubay “Please change your ways and if you will fight it out with our Law Enforcers definitely your Birthday will be change!”

Ang dalawang pulis na sina PCPL Teves at PCPL Abigan ay nagpatupad lamang ng maayos na tungkulin at maituturing natin na tunay na BAYANI.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here