Home News National Pulis Ifugao, Kinupkop ang 90-Anyos na Lola Pinabayaan ng mga Anak at...

Pulis Ifugao, Kinupkop ang 90-Anyos na Lola Pinabayaan ng mga Anak at walang makain

5
0

Marahil sa masamang gawain kinasasangkutan ng ibang mga pulis tila nadadamay ang mga mabubuting naglilingkod sa bayan.

Gaano mo ba kamahal ang mga magulang o mga kapamilya mo? 

Isa sa mga pinakamasakit na pangyayari at patuloy na nangyayari ngayon sa lipunan ay ang pag aabandona ng mga iilang walang pusong mga anak at kapamilya sa kanilang mga magulang. Hinahayaan nalang mag-isa sa buhay ng walang nag aalaga. 

Isang ₱ulis sa Ifugao ang kinupkop ang isang Lola na may Edad na 90-anyos dahil mag-isa na lamang umano ito sa buhay at walang makain.

Tila hindi batid ng iilang mga Anak, ang hindi matutumbasan ng kahit ano mang halaga ng pera o ng mga bagay, ang hindi na mabilang na mga pagsasakripisyo at paghihirap ng kanilang mga magulang upang mapalaki lang sila ng maayos, ay nagagawa padin nilang hayaan nalang ang kanilang magulang.

Kahit pa man sa kasamaan ng iba, may mga mabubuting kalooban padin ang handang tumulong at lingapin ang mga matatandang iniwan na ng pamilya.

Katulad nalang ng nakakaha@bag damdaming aksyon na ginawa ng isang Pulis mula sa Ifugao sa isang 90-na taong gulang na si Lola Aida Paduyao na naminuhay nalang ng mag-isa at hindi na makayanan pang maghanap ng kanyang makakain sa araw-araw.

Ang kabutihang loob na ginawa nila kay Lola ay parte ng “Adopt a Family” program na inilunsad ng Ifugao PPO, at patuloy na sinusuportahan ng ating mga matitikas ngunit may mga malalambot na puso para tumulong na kapulisan ng Kiangan Municipal Police Station.

Sa inilunsad na proyektong ito, nagagawa ng mga mabubuting Kapulisan ang makapag-abot ng tulong sa mga taong lubos na nangailangan, mula mismo sa kanilang mga sariling bulsa at ambag-ambag na halaga. 

May mga iilan man na iba paring ang pagtingin sa mga kapulisan dahil narin sa ibang gumagawa ng masama na nakakasira sa kanilang hanay ay mas madami padin naman ang may mga mabubuting puso para kapwa at sa bayan. 

Ang programang kinabibilangan ng mga kapulisan sa Ifugao ay pamamaran nila upang ipakita ang kanilang pagmamahal para sa mga tao at mamamayan sa Kiangan, kahit pa man ang iba sa mga kapulisan ay hindi residente ng naturang lugar.

Panoorin dito:

Source:  Wowcordillera

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here