Home News National Pulis Binaril ang Napagkamalang Suspek na Construction Worker, Patay

Pulis Binaril ang Napagkamalang Suspek na Construction Worker, Patay

73
0

Patay ang isang construction worker matapos barilin ng isang pulis nang mapagkamalan umanong holdaper sa bayan ng Sta. Rita sa Pampanga.

Kinilala ni Pampanga Police Director Col. Arnold Thomas Ibay ang biktima na si Federico Pineda habang isinailalim na sa restrictive custody si Cpl. Eframe Ramirez.

 Ipinag-utos din ni Gov. Dennis Pineda ang pagdis-arma kay Ramirez, gayundin ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban dito.

Ayon kay Michelle Pagauisan, napagkamalan ng pulis ang kanyang kapatid na siyang humoldap at nanaksak sa isang mag-asawa sa Sunny Side Subdivision sa Barangay San Matias.

Sinasabing inakala ng pulis na si Pineda ang holdaper dahil kakulay ng damit nito ang damit ng suspek batay sa kuha ng CCTV camera hanggang sa mabaril niya ito na ikinasawi ng lalaki.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here