Home News National Pilipinas Got Talent FINALIST Mark Joven Olvido, ARESTADO sa OPERAT!ON ng mga...

Pilipinas Got Talent FINALIST Mark Joven Olvido, ARESTADO sa OPERAT!ON ng mga PULIS sa LAGUNA!

22
0

Arestado si Mark Joven Olvido ngayong araw, May 14, 2021, alas dos ng hapon, sa Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna.

Kilala rin si Mark bilang Vape Master, ang third runner-up sa defunct ABS-CBN reality franchise show na Pilipinas Got Talent Season 6. 

Inaresto ng pulisya si Mark Joven Olvido na diumano’y nagbebenta ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation. Nakuha sa kanya ang tatlong sachet ng shabu at marked money mula sa pinagbentahan nito. Ang mga tauhan ng Sta. Cruz Municipal Police Station at mga miyembro ng PDEA ng Region 4 ang umaresto kay Joven.

Base sa ulat ng Laguna Provincial Police, nakatanggap sila ng sumbong tungkol sa umano’y ilegal na gawain ni Olvido. Nagkasa ang mga pulis ng buy-bust operation sa Barangay Duhat. Matapos makabili ng droga ang pulis na nagpanggap na buyer, agad dinakip si Olvido. 

Nakuha sa kanya ang tatlong maliit na sachet ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money na P2,000. Ikinulong na si Olvido sa Sta. Cruz Municipal Police Station. Si Olvido ay nakilala bilang “vape master” dahil sa kanyang talento sa pag-vape.

Naging finalist siya sa Pilipinas Got Talent noong 2018 at lumabas din sa ilang palabas at pelikula.Dating nagtrabaho bilang tricycle driver si Olvido bago siya naging contestant sa Pilipinas Got Talent Season 6 noong 2018.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here