Home Tulfo Brothers Raffy Tulfo in Action Panoorin: Trending Vide0 ng F00d Package na ayaw Magbayad, Pina-Tulfo

Panoorin: Trending Vide0 ng F00d Package na ayaw Magbayad, Pina-Tulfo

49
0

Trending sa social media Facebook post ng isang online seller na si Marjorie Alison mula sa Cebu matapos nitong ipakita sa video ang hindi pagbabayad nang buo ng kaniyang kliyente.

Ayon sa post ni Marjorie, hindi daw nagbayad ang customer nito matapos sabihin na hindi ito ‘satisfied’ sa kinaing lechong package. Kita sa video ang palitan ng sagutan ni Marjorie Alison at kliyente nitong kinikilala bilang si Maria Hofs.

Sa video, makikita ang pagpunta ni Marjorie sa bahay ng kaniyang kliyente upang singilin ito sa natitira nitong balanse na 10,200 pesos. Ito ay matapos mag-down ng customer ng 9,000 para sa 18,000 pesos food package. 

Ang food package ay naglalaman ng isang buong lechon na nagkakahalaga ng 8,000 pesos, kasama ang isang set ng pagkain na mayroong ulam at prutas. 

Ang Pagpa-Tulfo ng Supplier

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang food supplier na si Marjorie Abastas. Ito ay kaugnay sa nag-viral na video niya kamakailan kung saan naningil siya ng balanse ng isang customer. Nagmatigas umano itong bayaran ang balanse dahil sa kanyang reklamong kaunti lang umano ang pagkain na natanggap niya para sa perang sinisingil sa kanya. Nilinaw ni Abastas na kaya niya ipinakita ang kanyang pagsingil ay para sa kanyang kaligtasan

Minabuti ng food supplier na dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo upang matulungan siya sa kanyang problema dahil ayaw umanong bayaran ng isang customer ang balanse ng kanyang bayarin sa food package na binubuo ng isang malaking litson at walong putaheng ulam.

Nilinaw niyang kaya niya kinuhanan ng video ang kanyang pagpunta sa bahay ng nasabing customer para makapaningil ay dahil nangangamba siya para sa kanyang kaligtasan.

Sinabi naman ni Idol Raffy na babayaran niya na lamang ang sinisingil nitong balanse ngunit aniya ay ituloy pa rin dapat nito ang pagreklamo upang maturuan ng leksiyon ang hindi magandang ginawa sa kanya.

Ito naman ang iba’t ibang reaksyon ng mga netizens sa pagpaTulfo ng food supplier:

Estela Cabanes DrakeI don’t think she planned of paying the balance. I think she planned to ditch because she did not have the money to pay her off and to save her face from embarrassment she is scapegoating that the food she got is not worth it. She’s pretending to be wealthy but I don’t think she’s got money. She’s one of those na pakitang tao lang.

Velgin Pelayo..kun ni byd ka lng,di na sana mgkasuhan at mpatulfo…sanay sa modos bogos…mbalewala yan unjust vexation,tresspassing,oral defamation na file mo,kc sayo galing mali,di ka nagbyd…huwag masyado kuripot,huwag msyado mpgmahal sa pera,yang kayamanan mo bigay ni Lord God sa iyo para ipamahagi sa iba

Ish Abad-GutierrezJust an observation. Basically the client’s main point person that sourced out the food tray should also be liable to the incident. They are the one that facilitated the food orders and source outs as mentioned on their interview and that probably committed it would be good for 50 guest which technically cannot given it would only be food trays that will be served. Clients was supposed to be offered catering at that point and not food trays since it was already expected 50 guest to attend.

Anna Villarito Kalugdanhalaka bago naman maging ok kau ng caterer ay pinaliwanag sau lahat yun isa isa at may contract yun na pipirmahan mo kaya may idea kana kung gaano kadami food ninyo na picture out mo na un ateng sana nagbayad ka na lng ng di kau umabot sa ganito mas nakakahiya na tuloy marami pa nagagalit sa ginawa mo ayusin mo na lng yan ate

Fely Enriquezsana man lang binalik mo yong pagkain kung di mo gusto hindi yong lalantakan nyo ng mga kaibigan mo tas hindi pala bbayaran sguro planu mona yon na hindi ka mag bbyad kc kinain mo eh ibig sabhin nasarapan ka galit kp ning sb niya kkunin uli yong order mo ibig sabhin gusto mo yong pagkain ayw mo lang talaga pag bayad

Suodla B. OitYun ang modus niya, maganda man ang pasok ng supplier ni greet pa gani, niya maam pa tawag niya,.ganyan tlga pag may pera siga sigaan yung mahihirap,.wala naman panlaban si ate girl kundi yung pag video lang niya,.kasi napaikotan siya ng mayayaman daw na bisita,.na kung maka explain din one sided.,bayad muna maam, bago ka reklamo lalo nat kinain nyo na.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here