Home News National Panoorin: Sinagot ni PD30 ang Patutsada ni Trillanes na “Natatakot daw si...

Panoorin: Sinagot ni PD30 ang Patutsada ni Trillanes na “Natatakot daw si DU30 sa ICC”

30
0

Hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng pansin ang isa sa kanyang pinakamaingay na kritiko na si dating senador Antonio Trillanes IV dahil diumano sa mga bagong pahayag nito laban sa kanya.

Matatandaan na noong Disyembre 15 ay naglabas ng pahayag si Trillanes tungkol sa bagong update tungkol sa kaso ni Pangulong Duterte sa ICC.

“Duterte may try to ignore the jurisdiction of ICC over him, but deep inside he knows that he cannot get away from this one. Having profiled Duterte, I am sure nanginginig na ‘yan sa takot,” ani Trillanes.

“The time for reckoning is near for Mr. Duterte,” dagdag niya pa.

Pumalag si Duterte kay Trillanes at ikinumpara ang dating senador sa pupu ng aso.

“Ikaw Trillanes kapag nakikita ko ang pangalan mo, nakikita ko t*e ng aso, everytime I see you, you’re a s*** of a dog,” sabi ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Duterte ay hindi siya natatakot sa kung ano man ang mangyayari sa kanya pagkatapos ng kanyang termino.

Tinanong din ng Pangulo ang taumbayan kung ano nga ba ang nagawa ni Trillanes sa bansa.

“Kayong mga Pilipino, ano ang nagawa ng p***** ***** to? maski mali mali, anong nagawa nitong animal na ito?” saad ng Pangulo matapos nitong banggitin ang posibleng pagtakbo ni Trillanes sa susunod na eleksyon.

Idinagdag pa ng Pangulo na kung mas matalino daw si Trillanes kaysa sa kanya ay siya dapat ang namumuno ngayon sa bansa.

“Walang ginawa ito [Trillanes] kundi manira ng tao,” ani Duterte.

Binanggit din ng Pangulo ang diumano’y paninira ni Trillanes sa kanyang pamilya at kahit diumano ang kanyang bunso na si Kitty ay hindi nakaligtas sa mga akusasyon ng dating senador.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Trillanes sa panibagong banat sa kanya ng Pangulo.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here