Home News National Panoorin: P33 milyon ang yaman ng Briton, gustong ipaman sa kaibigang Pinoy...

Panoorin: P33 milyon ang yaman ng Briton, gustong ipaman sa kaibigang Pinoy na hinahanap

7
0

Sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo, sinabing umaabot sa 500,000 pounds o tinatayang P33 milyon ang yaman ng Briton na si Verne Mclean, na naninirahan sa Birmingham, England.

Sa nalalabing panahon ng kaniyang buhay, nais ng isang Briton na mayroong prostate cancer na muling makaugnayan ang dating kaibigang Pinoy at iwanan ng pamana na aabot sa milyones.

Nais ni Mclean na ibigay sa kaniyang kaibigang Pinoy na si “Mar” ang hanggang 10 porsiyento ng kaniyang yaman.

“I’m quite well-off, but not a multi-millionaire but I’m all right. I’m comfortable,” saad niya.

Kuwento ni Mclean, nakilala niya si Mar noong nagtatrabaho siya bilang crane operator sa Libya noong 1979.

Nang panahon na iyon, sa isang restaurant nagtatrabaho si Mar. At dahil marunong mag-ingles at masayahin, nakapalagayan niya agad ng loob ang Pinoy.

“His personality shone. He was a wise boy,” ani Mclean. “Absolutely brilliant. Always smiling, always joking. When you went in the house he was a certain life and soul to the party.”

Isa pang dahilan ng pagiging magkasundo nila ay pareho silang nanggaling sa hirap.

Pero nagkahiwalay na sila at nawalang ng komunikasyon nang bumalik na si Mar sa Pilipinas at nadestino naman si Mclean sa ibang bansa.

Isang sulat ni Mar sa kaniya ang pinakai-ingat-ingatan niya na hindi niya nagawang masagot noon.

“Mar wrote. I can’t write. He sent letters and he invited me over to Manila. I never responded. I’ve never written in my life. I mean, I couldn’t do anything. So I’ve got the letters. I’ve kept them to this day,” paliwanag niya tungkol sa sulat noong 1984.

Taong 2018, natuklasan ang kaniyang prostate cancer. Dahil dito, inisip na ni Mclean kung sino ang mga nararapat na tao na dapat niyang pamanahan at isa na rito si Mar.

“We talked more about it last year of contacting Mar ’cause I thought, maybe, he’s still there in Manila.’ He’s always resonated in my thoughts. I want to know how he is. He may have gone. He might be a multi-millionaire, but we don’t know, do we? But I really would like to track him and find out.  If I can catch him face-to-face and we can keep in touch. It would really be a blessing,” saad niya.

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens:

Leigh GieI felt sad. Specially nung nagreply ung ‘Mar’ na ayaw niya na ibalik ung Past.. Like srlsy, sana man lang diba sinabi niya na makikipag connect na lang privately. Medyo nakakasad. Parang one sided lang pala friendship nila. Ung disappointment rin medyo halata dun sa Brit.

Catherine De GuzmanSobrang relate aq s knya dhil meron tlga sa buhay mo na mag dadaan n ttoong tao n hinding hindi mo tlga mkklimutan. Ako man dq n alam nasan n ang mabait kong kaibigan dq p nmn alam tunay nyang name dahil Lyka Chan lng gmit nya lagi. I miss u sooo much sna mgkta tyo ulit yung dp natin nkklimutan isat isa. And I hope ok k lng saan k man ngaun

Maricar BartolomeNakakalungkot nga.kahit sana may something sila noon sana naman kahit papaanu makipagkita or makipagusap si mr mar s briton siguro un na ang pinakamasayang arw bago pa mamaalam sa mundo ung briton ung mkita nya ung matalik nyang kaibigan…sana un nalang ang isipin ni mr mar ung makapagpasya xa ng tao bgo ito mwla..kahit hindi nya kunin ung ipapamana sa kanya kung ayw nya..

Tagz EurieThey were past lovers, getting intouch means reconnecting. Mar have chosen to kept his past in private because he dont want to hurt his family. It was a bad idea to tell their story, especially the one he is not proud off… Respect to them both..

Leo N. TenepereMas pinile ni Mar ang privacy hinde talaga matatawaran bg pera ang Peace of mind at ang nakaraan ay kailangan ng mag karoon ng ending malamang ayaw ng maalala pa ni Mar ang kwento nila baka makasira lang magandang buhay nya ngayon at ng kanyang Familya. Forget the past kahit pa malaking pera pa ang kapalit.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here