Home News National Panoorin: Nasibak na Pulis, Nagsalita na tungkol sa pagkatanggal

Panoorin: Nasibak na Pulis, Nagsalita na tungkol sa pagkatanggal

29
0

Matapos masibak sa pwesto ang hepe ng Bato Municipal Police Station sa Catanduanes na si Captain Ariel Buraga.

Nagsalita na si Pulis Buraga tungkol sa kanyang post. Aniya’ wala umanong masamang intensyon si PCapt. Ariel Buraga, Chief of Police ng Bato Municipal Police Station Catanduanes sa kaniyang post sa social media.

Napamura nga umano siya ng nakita niyang binaril umano ng pulis ang matanda.

Hind umano niya kinakampihan na tama ang pulis, mali umano ang ginawa ng pulis sa pagpatay. Ang gusto niyang ipahiwatig ay kahit na matanda na ang tao ay mayroon pa rin siyang respeto sa kapulisan na nawawala na umano ngayon sa isang tao. Ganoon na rin lamang umano kadali ang panghuhusga sa mga kapulisan ayon kay Buraga.

Totoo rin umano ang kaniyang opinyon na kahit mabait na tao ay matri-trigger, mawawala talaga sa sarili niyang pagtitimpi at pagpapasensya. Ano man ang estado sa buhay ay kailangan pa rin ng respeto sa kapulisan.

Pinapasagot na umano siya ng Provincial Command ukol rito at handa umano siya sumagot rito.

Panoorin dito:

Source: Facebook

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here