Home News National Panoorin: Nagsalita na si Pacquiao tungkol sa 2022 elections

Panoorin: Nagsalita na si Pacquiao tungkol sa 2022 elections

1
0

Naging laman ng balita si Pacquiao nitong nagdaang mga araw matapos niyang almahan ang ginagawang pag-uudyok ng ilang miyembro ng PDP-LABAN kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo bilang bise-presidente. Pinagbintangan din ni Pacquiao ang kalihim ni Pangulong Duterte na may pakana ng panghihikayat.

Nagsalita na ang boksingerong senador na si Manny Pacquiao tungkol sa 2022 presidential elections. Ayon kay Pacquiao, hinahangad daw niya na ang susunod na mamumuno sa bansa ay may malasakit at pagmamahal sa mga Pilipino.

“Ang pagiging presidente ay destiny na kaloob ng panginoon. Marami na ang nangarap, marami na rin ang nabigo. Hangad ko sa susunod na magiging presidente ay may tunay na malasakit, tunay na pagmamahal sa mamamayang Pilipino,” sabi ni Pacquiao.

Hinikayat din ni Pacquiao na itigil ang pamumulitika.

“Tigilan na natin ang kulay politika. Walang ng dilaw, pula, orange o anu pa man. Maawa naman tayo sa sambayanang Pilipino,” dagdag pa ni Pacquiao.

Naging laman ng balita si Pacquiao kamakailan lang matapos nito almahan ang resolusyon ng mga kapartido niya na hikayatin si pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo bilang bise presidente. Inakusahan din ni Pacquiao ang isa sa mga gabinete ni Pangulong Duterte na may pakana ng resolusyon.

“Hindi legitimate ‘yung resolution na ginawa. Nalaman ko lang ‘yun dahil sinabi sa’kin ng tao ko… Hindi ko alam ‘yun. Hindi ‘yun sanctioned as acting president ng partido… Aaksyunan namin ‘yang mga ganiyan na hindi sumusunod sa partido… Si Cusi, hindi ako nakikipag-away sa iyo pero hindi ako ang pwede mo lang laruin… Kung umiikot ka, pulitika pinag-uusapan mo, ‘wag mong lasunin ang mga utak ng mga miyembro ng partido para magkahiwa-hiwalay. Warning lang ito,” boladas ni Pacquiao.

Kahapon lang ay isiniwalat ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na may balak si Pacquiao na tumakbo sa 2022 presidential elections.

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens:

John Matthewnaku sambayanang pilipino wag kayong masilaw sa pamimigay na pera ng 1 politiko alam nyo na kahahantungan sa mga ganyan, maging mapagmatyag tayong lahat, unti unti nang nakabangon ang pinas sa panahon ni pres digong sana tuloy tuloy na tong pag aasenso ulit, wag na nating hayaan makabalik pa ang mga opportunista at alam nyo na kng sino mga un…

Bernabe ManalansanOpinion ko lang bagay nasa sa iyo yan,wla naman makkapigil pag gusto ng tao,pero para sa akin Kahit ayaw mong tumakbo,ang taong bayan ang mag uundyuk na tumakbo ka ,sila ang magluluklok sayo,kaya hintayin mo ang tamang Panahon para saiyo,saan ka sumikat sa boxing?so doon ka magpatuloy,doon may karangalan ka,nag Congressman kana,nag senador kana ,mayaman kana,so ano pa ang hahanapin mo?at ngayon gusto mo pang mag Presidente pinakquiao muna pero gusto mo yan cge lang

Rolly AlmendrasOk lang yun mgbigay ng pera sa mga tao,pgpnahon lang nman ng election my npapala mga tao sa kndidato.wag lang mkialam yung mga lider na sapilitan ipaboto yung knila dala kndidato.kung cno ang gusto ng mga tao wag nila pkialaman dhl kusa loob nman ang pgbigay nila ng pera at wala nhingi sa knila minsan kc mas mayabang at daanin p sa takutan ng mga lider nila mga botante.

Glenn Cruz Escalantemoney wag ka masyadong nagmamadali..naging congressman ka 1 term ka lang..ngayon senador ka gusto mo maging presidente kaagad..ikaw ang pinakamaraming absent sa house at senatewag nagpapaniwala sa mga nakapaligid sa iyo sila ang sisira ng career mo..parang may naamoy ako di kaya sinusulsulan ka ng mga barkada mo isa na si tito sotto..si dahil last term na at 73 years old na ginagawa sa iyo ang ginawa kay FPJ kuha mo?hindi lahat ng sikat at may pera nanalo think twiss matalino na mga pilipino…kumuha ka ng magaling na political advicer..

Roy G. Escabillashuwag ipilit ang di pra syo kc pahinog ka muna ang ama ng bayan di. naddiktahan at nkikita kung ano ang tma at mali. eh un sa abs- cbn nga khit alm ni paquio na may nilabag gusto pa rin bigyan ng franchise . mg boksing at tumulong ka na lng ng wlang pnsariling intesyon don k no. 1 sa amin .

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here