Home News National Panoorin: Nagliliyab na Water Pump, Pinagkaguluhan sa Sultan Kudarat

Panoorin: Nagliliyab na Water Pump, Pinagkaguluhan sa Sultan Kudarat

9
0

Isang Netizen ang namangha sa kanyang personal na nakita na imbis tubig lang ang lumabas sa isang water pump ay may kasamang nagliliyab na apoy.

Ayon sa isang social media post sa Facebook ni Jun Mangulamas, ibinahagi niya ang isang video na nakuha niya sa isang Baranggay Badiongon Sultan Kudarat Mindanao ang isang water pump na n@gliliyab.

Ito ang kanyang mensahe at panawagan:

12-13-2020 Ako ay nam@ngha sa aking personal na nakita….Tayo po ay nanawagan sa kina uukulan na sana makarating itong video na ito sa tamang opisina upang magawan nang paraan para ma chck kong bakit itong tubig nang water pump na ito ay LUMILIY4B…ITO PO AY MATATAGPUAN SA BRGY. BADIANGON…PALIMBANG SULTAN KUDARAT…

Sa karatig lugar din nito matatagpuan ang Methane Gas sa Liguasan Marsh.

Kayangkayang bayaran ng nadiskubre umanong methane gas deposits sa Liguasan Marsh ang pagkakautang ng Pilipinas.

Ito ang ibinunyag ni Maguindanao 2nd District Rep. Zajid “Dong” Mangudadatu.

Aniya, maaari ring magdala ng kaunlaran sa Mindanao at sa buong bansa ang nasabing deposito ng natural gas sa 220,000ektaryang Liguasan Marsh, dahil aabot umano ito sa $1 trillion ang tinatayang halaga nito.

Pinatunayan ito ng mambabatas sa pamamagitan ng isang footage kung saan nakatayo siya sa isang malaking tubo na konektado sa Buluan Lake, na tuluy- tuloy na naglalabas ng tubig na nagliliyab kapag sinindihan.

Matapos ang video, sinabi ni Mangudadatu na namahagi siya ng gas stoves sa tatlong barangay malapit sa Buluan para magamit ng mga residente sa kanilang pagluluto ang ikinokonsiderang “God-given asset”, sa halip na gumamit pa ang mga ito ng commercial gas at kahoy.

Sa isa namang hiwalay na pahayag, sinabi ng kongresista na matagal na niyang naririnig ang ulat ng natural gas sa Liguasan Marsh hanggang sa madiskubre ito ng mga fishpond worker na naghahanap ng maiinom na tubig noong Oktubre 27, 2013, at limang taon na ngayong nagagamit ng kanilang lugar.

Naiulat na, aniya, niya ito kay Pangulong Duterte na hinikayat niyang ang presensiya ng natural gas ay “proof of self-sustenance” para sa panukalang Bangsamoro autonomous region.

Nilinaw pa ni Mangudadatu na batay sa inisyal na ulat mula sa geological explorations noong 1994, naglalaman ang Liguasan Marsh ng bilyun-bilyong bariles ng natural gas, na maaaring umabot ng $1 trillion.

Panoorin ang video dito:

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here