Home News National Panoorin: MAKALAT Condo ni Tekla, Ipinakita sa mga netizens! Kasama nya sa...

Panoorin: MAKALAT Condo ni Tekla, Ipinakita sa mga netizens! Kasama nya sa bahay hindi NAGLILIGPIT

11
0

Sa gitna ng isyu na kinakaharap ni Tekla ay sumikat ang isa sa kanyang mga vlog na kuha lamang dalawang linggo na ang nakakaraan kung saan ay ipinakita ng komedyante ang kanyang condominium unit.

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang sa kanyang unit ay makikita na kagad ang kadumihan ng nasabing lugar at makikita rin ang kanyang mga kasama sa condo.

Makikita rito ang kanyang live-in partner na si Michelle, ang kapatid nito at ang isa pang lalake na pinaniniwalaan na nobyo ng kapatid ni Michelle.

Naging prangka si Tekla sa kanyang mga kasamahan at tinanong kung bakit wala man lang nag lilinis ng kanyang unit.

Tila hindi naman ma istorbo ang mga kasama niya sa bahay dahil busy sila sa paglalaro ng “Mobile Legends” (ML).

Kahit ang kanyang live-in partner ay busy rin sa paggamit ng kanyang cellphone.

“Ano ba ‘yan umaganda umaga ang kalat, hindi man lang kayo nag liligpit, ayan puro kalat, Diyos ko kalat, hindi man lang kayo nag ligpit, Diyos ko ano bang ginagawa niyo? Eto na nga ba ang sinasabi ko kaya tumataas ang bill ng kuryente natin kaka Mobile Legends,” sabi ni Tekla.

Matapos nito ay ikinuwento niya kung gaano kataas ang bill nila sa kuryente na umaabot ng mahigit sa 14,000-16,000 pesos.

“Hindi pa nga bayad ‘yung ibang bill, puro kayo ML, ML, ML, nagpupuyat kayo sa ML, Diyos ko paano ko babayaran ito, mababayad ba sa kuryente yang ML ML na yan?” saad niya.

Sa nasabing parte ng video ay makikita sa mukha ni Tekla ang pagka inis sa kanyang mga kasamahan sa bahay na tila puro laro nalang ang inaatupag at ni maglinis ng bahay ay hindi magawa.

Ngunit sa huli ay nakisali nalang din si Tekla sa kanila kahit na hindi naman talaga marunong maglaro ang komedyante.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here