Home Tulfo Brothers Raffy Tulfo in Action PANOORIN: Mag-asawang senior citizen, Brutal na Pinatay at Itinaga ng kanilang katiwala

PANOORIN: Mag-asawang senior citizen, Brutal na Pinatay at Itinaga ng kanilang katiwala

31
0

Patay sa pananaga ang mag-asawang senior citizens sa Aroroy, Masbate, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Suspek sa krimen ang isa umanong kakilala ng mag-asawang Rubion, 75, at Corazon Arciete, 60, na madalas makitulog at makikain sa kanila.

Duguan at tadtad ng taga sa katawan ang mag-asawa nang matagpuan sila ng kanilang anak sa loob ng kanilang bahay nitong Lunes. Si Robiyon ay halos mapugutan na raw ng ulo habang buhay pa si Corazon ngunit namatay din kalaunan

Bago nasawi, nasambit daw ni Corazon ang pangalan ng suspek na si Kano Yamzon na madalas sa bahay ng mga biktima.

Naaresto ang suspek nitong Huwebes sa tulong ng mga kaanak at mga taga-barangay. Itinanggi niya ang mga paratang sa kaniya.

Sinampahan na si Yamzon ng reklamong two counts of murder.

Panoorin dito:

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here