Home News National Panoorin: Lalaking Nagwala at Nanghabol ng Itak, patay nang mabaril ng pulis

Panoorin: Lalaking Nagwala at Nanghabol ng Itak, patay nang mabaril ng pulis

0

Patay ang isang 66-anyos na lalaki na nagwala at manghabol ng itak matapos siyang mabaril ng isang pulis sa Negros Occidental. Ang pulis, sugatan.

Ipinakita ang video footage na kuha ng Victoria City Police sa nangyaring insidente sa Victoria City.

Sinabi ng pulisya na nagwala ang lalaki habang may dala siyang itak.

Tinangkang pakalmahin ng mga awtoridad ang suspek, pero hinabol nito ng taga ang isang pulis na dahilan para magpagulong-gulong ito sa kalsada, bago mapilitang paputukan ang lalaki.

Kahit may tama na ang lalaki, patuloy pa rin siya sa paghabol sa pulis kaya tumulong na sa pag-awat ang ilang tao sa lugar.

Nagtamo ng sugat sa braso ang pulis habang binawian naman ng buhay ang lalaki dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version