Home News National Panoorin: Lalaking nagnakaw umano ng cellphone sa Cainta, kinuyog ng taumbayan

Panoorin: Lalaking nagnakaw umano ng cellphone sa Cainta, kinuyog ng taumbayan

3
0

Kuyog ang inabot ng isang lalaking nagnakaw umano ng cellphone sa Cainta, Rizal, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Martes.

Papatakas na sana ang suspek at kasama nito matapos dukutin ang cellphone ng isang empleyado ng laundry shop nang mabisto sila.

Hinarang ng mga tao ang suspek at kasama nito na magka-angkas sa motor dahilan para sumemplang sila.

Nahuli ang rider ng motorsiklo na si Rhey Lacson habang nakatakas naman ang angkas niyang kinilala lamang sa alyas na Poison.

Ayon sa pulisya, kalalaya lang ni Lacson na nakulong sa Angono dahil sa kasong pagnanakaw. Sabi naman ng suspek, nagbayad siya ng P6,000 na piyansa para makalaya.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here