Home News National Panoorin: Kwento ni Alyssa Calosing,ang kumuha ng video ng pamamaril ng pulis...

Panoorin: Kwento ni Alyssa Calosing,ang kumuha ng video ng pamamaril ng pulis sa mag-ina sa Tarlac

24
0

“Narinig ko po bigla na ‘gusto n’yo patay1n ko kayo’ sabi niya pong gano’n. Tapos po sakto po pagharap po saka niya b1naril po sina Lola Sonya,” kuwento ni Alyssa Calosing, ang kumuha ng video sa pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina sa Tarlac nitong Linggo.

Nang tanungin kung ano ang ginawa ng pulis matapos ang pamamaril, sinabi ni Calosing na “kinuha niya po ‘yong anak niya tapos naglakad lang po sila nang parang wala lang.

Tinututukan ng Commission on Human Rights o CHR Region 3 ang kaso ng pamamaril ng pulis sa mag ina sa bayan ng Paniqui Tarlac.

Sa panayam kay Atty. Leorae Valmonte , OIC ng CHR sa rehiyon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang kanilang team hinggil sa nangyaring krimen.Sinabi rin nitong tutulungan nila ang pamilya ng mag ina na makapag sampa ng kaso laban sa pulis na si PSMSgt Jonel Nuezca.

Posible rin anyang mabigyan ng financial assistance ang pamilya ng mga biktima.Maaalalang walang awang pinagbabaril ng pulis ang mag ina na kinilalang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio kahapon.

Nag ugat ang naturang krimen dahil umano sa pagpapaputok ng boga, hanggang naungkat ang alitan sa lupa.

Mugshot ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, ang pulis na bumaril sa mag-inang nakaalitan niya sa Paniqui, Tarlac.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here