Home News National Panoorin: Kuya Wil, ibebenta rin ang P35M Rolls-Royce upang tulungan ang mga...

Panoorin: Kuya Wil, ibebenta rin ang P35M Rolls-Royce upang tulungan ang mga kababayan sa Cagayan at Isabela

0

Pagkatapos ibenta ni kuya Wil ang P12M Range Rover para idonate sa Marikina at Montalban, ang kanyang P35M Rolls-Royce naman ang ibinebenta niya para sa mga kanyang kababayan sa Cagayan at Isabela.

Pinapabenta na rin ni Willie Revillame ang kanyang isa pang luxury car na Rolls-Royce.

Ito ang inihayag ni kuya Wil sa kanyang programang Wowowin kahapon, November 18.

Sabi ni kuya Wil, “Kaya kinausap ko kanina yung pinagbenta ko ng Range Rover, sabi ko, ‘Yung isa kong kotse ibenta mo na rin.’

“Kaninang umaga, sabi ko, ‘I-fastbreak mo na rin yung isa kong kotse para pupunta ako Cagayan tsaka Isabela.’

“Pinapabenta ko na rin po yung isa kong kotse na Rolls-Royce kahit na kung mura lang.

“Binili ko ng P35M, kahit kalahati na lang, sabi ko.”

Nilinaw rin ni kuya Wil na wala siyang balak pumasok sa pulitika kaya siya tumutulong sa kanyang kapwa.

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version