Home News National Panoorin: Kasambahay ni Dimples Romana niregaluhan ng bagong house and lot

Panoorin: Kasambahay ni Dimples Romana niregaluhan ng bagong house and lot

2
0

Niregaluhan ng host, actress na si Dimples Romana ng brand new two-storey house and lot ang kanilang kasambahay na si Ate V.

Ayon kay Dimples, ang kanilang regalo para kay Ate V ay paraan nila upang ibalik ang lahat ng kanyang mga pagsakripisyo para sa kanilang pamilya sa loob ng labing pitong taon. 

Narito ang pahayag ni Dimples sa kanyang YouTube channel:

“Sa buhay natin, meron tayong mga kapamilya na maaring hindi natin kadugo na inaalagaan tayo, may malasakit sa atin, minamahal tayo ng higit pa sa mga pamilya nila.

Si Ate V namin is one of our biggest blessings in life.

Itinuring na nya kaming pamilya at pamilya na din namin sya.

Kasama namin sya sa kalungkutan, kaguluhan, sa pagpupursigi at sa tagumpay. 


She has been with us for 17 years, opo, kasing haba na din ng taon ng pag aasawa namin ni Papa Boyet at ng pamilya namin.

Kasama na namin sya nung nagsisimula pa lang kami.

Puro dasal at pangarap pa lang kami nun.

Nagsisimula pa lang mag ipon. 

My hubby and I believe that giving and sharing must always begin at home. We want Callie and Alonzo to know the value of gratitude and of sharing to family. And with the work that im blessed with now, ito ang paglalaanan namin nun.

God is Good. Punong puno ang puso ko ng pasasalamat sa Diyos, dahil ngayon, maibabalik na namin sa kanya ang lahat ng pagmamahal at taon na ibinuhos nya sa amin.

Eto ang pasasalamat namin sayo Ate V. Sana nagustuhan mo :)”

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here