Home News National Panoorin: Isang residenteng ayaw ibigay ang kariton, pinosasan

Panoorin: Isang residenteng ayaw ibigay ang kariton, pinosasan

20
0

Pinadapa at pinosasan ang isang residenteng ayaw ibigay ang kaniyang kariton sa isinagawang clearing operations ng Parañaque Task Force Biyernes. 

Hindi umano umubra ang mga sermon at babala sa mga barangay sa mga nauna nang mga operasyon dahil ballk muli sa dating pwesto ang mga sidewalk vendor.

Sa Roxas Boulevard Service Road, magkakatabi na naman ang mga tindahan ng pagkain, face mask at face shield.

Sa Barangay 76, ginawang parking area ang isang lane ng kalsada at ginagamit pa ang orange yellow plastic barrier ng MMDA na pangharang sa kalsada ng mga nakaparadang sasakyan.

Sa kahabaan naman ng Taft Avenue Extension sa ilalim ng LRT, balik din ang tindahan sa mga bangketa. May mga nakaparada din mga pedicab sa kalsada.

Sa Barangay 145 kung saan nagkaroon pa ng tensiyon ang clearing operations noong nakaraang linggo, balik operasyon ang mga nagtitinda ng pagkain.

Una nang iginiit ng mga barangay officials sa lungsod na hirap silang panatilihing malinis at maayos ang kanilang lugar dahil idinadahilan umano ng mga vendor ang kanilang kabuhayan.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here