Home News Panoorin: Isang Guro, Pätäy sa Tuklaw ng Cobra sa loob mismo ng...

Panoorin: Isang Guro, Pätäy sa Tuklaw ng Cobra sa loob mismo ng Paaralan.

19
0

Isang 49-anyos na elementary school teacher ang nasaw! matapos na matuklaw ng Philippine cobra sa loob mismo ng paaralan sa San Luis, Aurora.

Sa ulat ni King Guevarra sa GMA Regional TV “Balitang Amianan” nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Rizza Laureano.

Ayon sa kapatid ng biktima, palabas ng palikuran ang guro nang matuklaw siya ng ahas na nasa cabinet.

“Nag-CR lang siya. Paglabas niya ng CR mayroon cabinet na katabi. Ngayon hinawi niya ang kurtina, yung kamay niya na pinaghawi niya ng kurtina, doon siya natuklaw ng ahas,” kuwento ni Michelle Donato.

Kaagad naman daw nadala sa ospital ang biktima pero wala umanong anti-venom ang mga pagamutan kaya pumanaw ang guro pagkaraan ng tatlong oras.

Sinusubukan pa na makunan ng pahayag ang ospital sa lugar.

Source: GMA News

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here