Home News National Panoorin: Ina ni Christine Dacera, Nanawagan ng tulong kay Tatay Digong

Panoorin: Ina ni Christine Dacera, Nanawagan ng tulong kay Tatay Digong

2
0

Nanawagan ng tulong kay Pres. Duterte ang ina ng umano’y rape-slay victim na si Christine Dacera para mabigyan ng hustisya ang kanyang kaso.

” Ang sakit-sakit pa ring i-accept ang nangyari sa anak ko, sobrang sakit. Kung hindi po dahil sa mga taong tumutulong sa akin, ‘di ko alam kung anong gawin ko. The only thing i can’t do is I want to hug my daughter but her life is no more.

Tatay Digong, Tulugan mo kami…Ordinaryo lang po ang pamilya ko. Ayokong may mangyari ulit na isang bababe na bababuyin ulit. Kaya lalabanan ko itong laban ng anak ko.”

Netizen, ipinagtanggol ang mga suspek sa Christine Dacera case: “They are so gay and fun to be with!”

Ilang mga netizen ang pinagtanggol ang ilan sa mga suspek sa nangyari sa flight attendant na si Christine Dacera.

Si Dacera ang babae na nakita na wala ng buhay sa bath tub ng isang hotel sa Makati City ilang oras lamang matapos siyang lumahok sa pagdiriwang ng bagong taon kasama ang ilan niyang barkada.

Hinihinala ng mga pulis na may ginawa ang mga kasama ni Dacera sa kanya.

Ngunit ilan sa mga netizens ang hindi naniniwala na makagagawa sila ng masama kay Dacera lalo na’t kilala ang ilan sa mga suspek bilang mabubuting tao.

Sa isang mahabang Facebook post, ipinagtanggol ni Avie Santos na isa ring babae, ang mga suspek.

Ayon sa kanya ay tinuturing niyang kapatid ang ilan sa mga suspek at sinabi niya na “gentleman” ang mga ito kaya’t hindi siya naniniwala sa mga akusasyon laban sa kanila.

Sinabi niya rin na pawang “gay” ang mga nasabing suspek lalo na’t karamihan sa kanila ay “bottom” na hindi papatol sa mga babae.

Binanatan niya rin ang mga netizen na ipinapakalat ang mukha at mga pangalan ng mga nasabing suspek sa social media.

“To my friends, Luy, Mark, Rey, JP, Paul, and Rom, I believe in all of you. I will pray for you! I will stand by you. Truth will set you free. I can’t wait to hug you all. Be strong and have faith! I love you guys!” ani Santos.

Ikinuwento rin ni Avie isa isa kung ano ang naging karanasan niya habang kasama ang ilan sa mga suspek.

“They are sooooo gay and fun to be with! Natutulog pa ako katabi sila. I even stay with them for days!!! They don’t let me go out alone sa mga labas. They don’t go home without me also!!! They are my stylist, my cook, my driver, my taga-buhat, my go-to people in short, kulang nalang jowain nila ko!!! Never nila kong di sinama sa plano nila, kahit sa future, we plan our future together!” kwento ni Avie.

Sinabi pa ni Avie na puro Tiktok lang ang ginagawa nila ng kanilang mga kaibigan at nagpa-plano rin para sa mga negosyo.

Bago pa mag bagong taon ay sinamahan pa daw si Avie ng ilan sa mga suspek na mamili.

May pagkakataon pa nga na napainom siya ng marami ngunit sinugurado ng mga suspek na siya ay ligtas na makakauwi.

Ipinakita rin ni Avie ang ilan sa mga moments kasama ang mga suspek.

Nakiusap naman kanina ang ina ni Dacera na umamin na sa kanilang ginawa sa kanyang anak.

“‘Yung may mga alam, if you guys are truly the friends of Christine, please umamin na kayo.” ani Mrs. Dacera.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here