Home Uncategorized Panoorin: Hazel Edep, may MENSAHE sa mga fans matapos paulanan ng batikos...

Panoorin: Hazel Edep, may MENSAHE sa mga fans matapos paulanan ng batikos ng mga netizens

50
0

Trending sa social media ang TikTok celëbrity na si Hazel Edep at ang nobyo nito na si Jhon Quizon matapos nilang ipakulong ang isang tricycle driver na diumano’y nangikil ng pera sa kanila.

Inulan ng batikos ang mga nasabing influencer dahil sa mga kumalat na post mula sa mga kamaganak at kaibigan ng suspek na si Angelito Martin.

Umabot narin sa Raffy Tulfo in Action ang nasabing isyu at doon ay pinag usapan kung totoo nga bang inosente si Angelito.

Ayon kasi kay Hazel ay P7,000 ang inalok nilang pabuya para kay Angelito, ngunit ang hinihingi ng suspek ay P50,000.
Matapos ang paglabas nila sa telebisyon ay nag binuksan muli ni Hazel ang kanyang TikTok page sa publiko.

Ibinahagi nila ang isang video habang kumakain sila sa isang Korean BBQ restaurant at nilagyan din nila ng mensahe ng pasasalamat ang nasabing post.

“Salamat sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa amin,” ani Hazel.
Hindi naman malaman kung bakit sila nagbahagi ng video na sila’y kumakain at ano ang kinalaman nito sa mensahe na gusto nilang iparating.

Pero kahit sa kanilang mismong page ay inulan parin sila ng batikos. Ilan sa mga netizen ay sinisisi si Hazel sa pagkawala ng kanyang cellphone na napulot ni Angelito. Tinawag din na “burara” ng mga tao ang influencer.
Sa ngayon ay wala pang balita kung ano na ang mangyayari ngayon kay Angelito.

@queenluvs14

Salamat sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa amin 😘#jmzel

♬ original sound – Fatnics🍕 – Fatima🤍

BAGONG COMPLAINANTS, LUMUTANG LABAN SA MGA NAKAPULOT NG PHONE NG TIKTOKER!

Matatandaan, Inaksyunan ni Idol Raffy Tulfo ang sumbong nang makulong ang isang lalaki matapos magsauli ng cellphone ng isang TikToker. Depensa ng kabilang kampo, may extortion na nangyari.

Inuulan ng batikos ngayon sa social media ang Tiktok celebrity na si Hazel Edep matapos nitong ipahuli ang lalaki na nagsauli ng kanyang cellphone.

Sa post ng nobyo ni Hazel na si Jhon Cuizon ay ikinuwento nila na nawala ang cellphone ng Tiktoker noong July 14 habang nag gagala sila sa Divisoria.

Sinubukan nilang tawagan ang number ni Hazel ngunit hindi ito sumasagot ngunit makalipas lamang ng ilang oras ay may nagpadala sa kanilang mensahe at sinabi na sila daw ang nakapulot ng cellphone ng TikToker.

Inalok diumano ni Hazel ang nakapulot ng pabuya ng 7,000 pesos ngunit hindi ito pumayag at sinabi na P50,000 ang kailangan nilang bayaran para maibalik ito.

Pinagbantaan din daw ng lalaki si Hazel at sinabi na pupuntahan siya sa kanilang bahay.

“Sinabi namin na willing kami magbigay ng 7k. Tumawa lamang siya at sinabing kulang ito. Dahil daw mamahalin ang iPhone, 50k ang hinihiling nila. Bukod dito pinagsalitaan pa si Hazel na, pupuntahan sa bahay, pipiliting kunin ang pera,” ani Jhon sa kanyang facebook post.

Sa lahat po ng hindi nakaka alam ng buong storya:

Noong July 14, 2021, ay nagpunta kami ni Hazel sa Divisoria. Noong nasa Divisoria na kami ay napansin namin na nawala ang kaniyang cellphone. Sinubukan naming tawagan yung cellphone pero nag riring lang at walang sumasagot. Maya maya ay may nagtetext sa akin, na hindi namin alam kung sino at sinabing may nakapulot nga ng cellphone ni Hazel.

Sinabi sa amin ng lalaki na ito, na bigyan ng reward ang nakapulot ng cellphone na ito, kaya naman, tinext namin ang phone ni Hazel na willing kami mag bigay ng reward. Pagkatapos nito, ay tinawagan namin muli ang cellphone ni Hazel. Sumagot ang isang lalaki, at nagtanong kung magkano ba ang aming ibibigay na reward. Sinabi namin na willing kami magbigay ng 7k. Tumawa lamang siya at sinabing kulang ito. Dahil daw mamahalin ang iPhone, 50k ang hinihiling nila. Bukod dito pinagsalitaan pa si Hazel na, pupuntahan sa bahay, pipiliting kunin ang pera, at baka magahasa pa siya.

Dahil sa takot na nararamdaman na namin ni Hazel noon, nagpasya kami na magpunta sa CIDG. Sa harap mismo at dinig na dinig nang pulis, ay pinipilit kami na magbigay ng 50k para ibigay ang cellphone. Dito ay tinulungan kami ng mga kapulisan, at tuluyan ngang na-entrap ang isang lalaki na tumanggap ng pera, at nagbalik ng telepono.

Hindi po kumpleto ang storya na sinasabi nila, kaya naman ay nag mumukha kaming masama at nag paentrap ng isang tao lamang na nagbalik ng telepono. Sana ay wag nyo kaming husgahan base lamang sa narinig nyo, dahil may dalawang bersyon po ang lahat ng storya.Naka file na po ang kasong ito sa piskalya. Handa kaming patunayan ang lahat ng ito sa korte.

Dito na humingi ng tulong si Hazel sa mga otoridad kung saan ay nahuli ang nakapulot ng cellphone na nagngangalang Angelito Amor.

Ayon naman sa mga kamag-anak ng suspek ay hindi totoo ang istorya nila Hazel at sinabi na hinding hindi magagawa ni Angelito na gumawa ng masama sa kapwa.

Kwento ng netizen na si Jacquelin Banto Mateo na kakilala ng suspek ay kilalang kilala daw nila ito.

Sa taxi daw napulot ni Angelito ang cellphone at hindi daw totoo na pinagbantaan ng suspek ang TikToker.

“Maawa kau sa tao maling tao pinakukulong nio lahat kme dto kilala nmen taong yan sna makamit mo pre hustisya mausig kau mga wla kau puso sa mga gumawa sa iyo ng ganyan mkunsensya kau alam nio sa sarili nio kapabayaan nio nwala nio cp na yn di yan ninakaw sa inyo napulot yan sa taxi at nong nakita sabi nio mg bbgay kau ng reward kau ng sbi non ng nkpg kita ska nio papahuli yong tao mali kau maling mali ginawa nio may diyos tau di natutulog at nakikita nia ang totoo ngyari,” ani Jacquelin.

Isa pang kumpare ng suspek ang sinabi na kakagaling palang sa ospital ni Angelito matapos itong magkaroon ng mild stroke.

“Grabe kayo hindi mag nanakaw ang kaibigan namen hndi kayo naaawa kalalabas lang ng kumpare ko sa ospital na mild stroke tapos napulot yung cell phone mo sasabihin nyo ninakaw sa inyo,” sabi ni netizen Rhomyfredo Sarcauga.

Hindi pa malaman kung magsasampa ng kontra asuno ang kampo ng suspek laban sa TikTok celebrity.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here