Home News National Panoorin: Batang Kumain ng Adobong Palaka, Patay

Panoorin: Batang Kumain ng Adobong Palaka, Patay

0

Patay ang isang bata habang sa pagamutan naman ang bagsak ng limang iba pa matapos kumain ng adobong palaka sa General Santos City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Ayon sa lokal na pamahalaan, pinagsaluhan ng dalawang pamilya ang nilutong palaka na kanilang nahuli.

Matapos kumain ay nakaramdam daw ang mga biktima ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka. Hindi na naitakbo ng ospital ang bata at sa bundok na binawian ng buhay.

Sa limang nasugod sa Barangay Health Center, tatlo rito ay mga bata. Kasalukuyan na silang nagpapagaling.

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version