Home Uncategorized Panoorin: Arabung Pumatay ng OFW sa Kuwait Hinatulan ng Bitay

Panoorin: Arabung Pumatay ng OFW sa Kuwait Hinatulan ng Bitay

0

Pinatawan ng sentensyang kamatayan ang isang babae sa Kuwait dahil sa pagpaslang sa Pinay OFW na si Jeanalyn Villavende nitong nakaraang taon, ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Dodo Dulay.

Sa isang social media post nitong Miyerkoles ng gabi, sinabi ni Dulay na ibinalita ang sentensya sa kanya  ng abogado ng Philippine Embassy sa Kuwait.

“According to the lawyer engaged by our Philippine Embassy in Kuwait, Fawziya Al Sabah, the Court’s decision was fair and in accordance to the law and Sharia as the accused assaulted OFW Villavende for days, and imprisoned her in a room until her death,” ani Dulay sa post.

Mula sa Norala, South Cotabato, nangibang bansa si Villavende noong Hulyo 2019 at nagtrabaho bilang domestic worker. Natagpuan siyang patay matapos lamang ang limang buwan.

Nagsimula ang pang-aabuso kay Villavende noong Oktobre ng 2019, ayon sa isinalin na ulat mula sa gobyerno ng Kuwaiti na inilabas ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola sa isang pagdinig sa Senado.

Nang makarating sa Pilipinas ang bangkay ni Villavende, sinuri ito ng NBI sa South Cotabato. Nakitang may mga malinaw na senyales ng sexual abuse ang kanyang katawan.

Kasunod ng pagpaslang kay Villavende, inaprubahan ng Philippine Overseas Employment Administration ang pagdeklara ng total deployment ban sa Kuwait nitong Enero, na bahagyang niluwagan naman nitong Pebrero. 

Panoorin dito:

Source: GMA, UNTV

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version