Home News National Panoorin: Anak na may Kapansanan, Sinamahan ng Ama sa Pag-apply bilang Guro

Panoorin: Anak na may Kapansanan, Sinamahan ng Ama sa Pag-apply bilang Guro

1
0

Sobrang nakakainspire ang post ng isang Netizen na si Zaldy Ordiales Bueno dahil sa mag-amang nakita niya sa isang paaralan na kanyang pinapasukan. Idinetalye ni Zaldy sa kanyang post ang nakakaluha bagamat nakakamanghang dedikasyon ng dalawang mag-ama.

Habang kinakausap ni Zaldy ang aplikante nitong nakawheel chair ay hindi niya maiwasan maluha sa mga kwento nito sa kanyang buhay.

Ani ng aplikante, na-delay ang kanyang pag-aaral dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Kaya naman noong 2014, ay kumuha ito ng ALS at nakapasa. Nakapasa din ito sa LET noong 2019 nang makatapos ng kolehiyo at ang kursong kanyang kinuha ay Education.

Nang tinanong pa ni Zaldy ang aplikante kung nasaan ang mga magulang nito ay itinuro sa sulok ang matandang lalaki na nakatingin sa kanila. Habang nag-uusap ang dalawa ay hindi nila mapigilan ang emosyon na kanilang nararamdaman.

“Siya po ang tatay ko. Anim na taon na po niya akong itinutulak sa wheelchair mula ng mag college ako hanggang umexam ng LET hanggang ngayong nag aaplay na ako.” Dagdag pa nito na lalong nagpaluha kay Zaldy.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay umalis na si Zaldy at ang mag-ama. Umuwi si Zaldy na puno ng inspirasyon sa buhay. Mas madami pa umano ang kanilang pag-uusap tungkol sa buhay kaysa sa laman ng papel na dala ng aplikante. Kinilala ang aplikanteng ito na si Edwin Garin na residente ng Atimonan.

Narito naman ang buong detalye ng post ni Zaldy sa Social Media:

Mag a-alas singko na…Akala ko wala ng teacher-applicant na magpapa evaluate ng papel.Pumasok si kuyang naka-wheelchairPag lapit sa akin,ang agad kong tanong, “Ilang taon na po kayo?””Singkwenta po””Aba mahusay po at gusto nyo pang mag-aplay sa gobyerno.””Na delay po ang pag-aaral ko dahil sa aksidente kaya naka wheelchair po ako.Buti na lang, nakapag-ALS ako noong 2014 at nakapasa sa test at naka graduate ng high school noong 2015.”May kurot sa puso ko sapagkat napakalapit sa akin ng ALS.Diyan naka-graduate si Mama ng high school sa edad na 61 noong maging teacher niya ako.”Nag college po ako sir para matupad ang pangarap ko. Nag education po ako at nakapasa sa LET noong 2019.

Kaya sumusubok po akong mag-apply para makatulong sa magulang.”Napangiti ako pero nararamdaman ko na ang mainit na luha sa gilid ng mata ko.Sa loob loob ko, aba, sa edad na singkwenta ay nagpipilit parin na makatulong sa magulang.”Asan po magulang mo kuya?”Tumingin siya sa akin na may luha na ang mata.Sabay turo sa matandang lalaking nasa isang sulok na nakatingin sa amin.Nangungusap ang mata.Halata na ang pagod sa maghapong paghihintay.Halata na sa mukha ang pagod dahil sa mga hilahil sa buhay.”Siya po ang tatay ko. Anim na taon na po niya akong itinutulak sa wheelchair mula ng mag college ako hanggang umexam ng LET hanggang ngayong nag aaplay na ako.”Tuluyang umagos ang luha ko.Hindi na ako nahiya.Hindi ako makapagsalitaRamdam kong may nakabara sa aking lalamunanGaralgal na ang boses koPareho na kaming lumuluha.Naghiwalay kaming mas mahaba ang kwento ng BUHAY kesa sa laman ng kanyang papeles.Naghiwalay kaming puno ako ng inspirasyon.

Sakaling may punungguro na naghahanap ng ENGLISH TEACHER, pls consider Mr Edwin Garin of Atimonan.Maaring hindi siya kaseng energetic ng mga gurong walang kapansanan,Pero sigurado ako, higit sa aralin ang kaya niyang ikintal sa isip ng mag-aaral.Hindi lang noun at verb ang kailanganMas higit nilang kailangan matutunan, Kung paanong lumaban sa hamon ng buhay.Maraming kabataan ang mahahamon at mamumulat dahil sa kanyang angking determinasyon.At sana ma-hire siya.

Dahil hindi lang pagsisikap niya ang magbubungaPati narin ang matiyagang pagtutulak ng wheelchair ng kanyang ama…Ang kanyang ama…Oo, ang kanyang ama na ngayon ay edad SITENTA y SINGKO NA.Na umaasang isang araw,Bago dumating ang dapithapon ng buhay,Ay magiging guro parin ang anak niyang minamahal.At kapag nangyari iyon, Si tatay na ang magiging pinakamasayang ama.Sa mga kabataang malalakas pa sa kalabaw?At wala namang mga kapansanan,Sino tayo para sumuko? Sino tayo para bumitaw?Na sa mga hamon ng BUHAY, Sino tayo para umayaw?

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here