Home News Panoorin: Ama, pinatay ang 2 anak dahil wala nang maipakain

Panoorin: Ama, pinatay ang 2 anak dahil wala nang maipakain

8
0

Sumuko sa awtoridad ang isang ama matapos na bigtihin ang dalawa niyang musmos na anak ngayong Biyernes, Araw ng Pasko, sa Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Aiko Siancunco, 29 taong gulang, naninirahan sa North Signal at walang trabaho.

Sa kanyang salaysay  sa pulisya, sinabi ni Siancunco, na ibinitin niya sa leeg ang dalawang anak na may edad na 3 at 1 matapos diumanong magbigti ng ina ng mga bata, ayon sa ulat ng Southern Police District.

Ayon kay Siancunco, tinangka rin niyang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng detergent bleach pero hindi ito umano umobra.

Tanging ang asawa lamang ni Siancunco na isang call center agent ang bumubuhay sa pamilya. Ito umano ang nagtulak sa suspek na patayin na lamang ang mga musmos na anak dahil hindi niya alam kung paano bubuhayin ang mga bata matapos na magbigti ang kanyang asawa.

Pero ang kapatid na babae ni Siancunco ay hindi naniniwala sa kanyang salaysay sa pulisya.

“Nagpadala pa siya sa akin ng text message na sinasabing alagaan ko raw ang mga bata, ‘suko na ako’,” ayon sa panayam ng dzRH sa kapatid ni Siancuco na tumangging magpakilala.

Sinabi niya na wala siyang alam sa problema ng mag-asawa pero kilala umano niya ang kanyang kapatid na mainitin ang ulo.

“Palagay ko ay normal lamang na mag-away ang mag-asawa, pero hindi ko alam kung gaano sila kadalas mag-away,” ayon pa sa kapatid ni Siancuco.

Mahalaga para sa kanya na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga pamangkin.

“Humihingi kami ng katarungan dahil pati mga bata ay idinamay niya. Inosente ang mga batang iyon,” wika pa niya.

Panoorin dito:

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here